00:01Mainit na balita binigyang diin ni Sen. Joel Villanueva na matagal nang ibinasura ng Office of the Ombudsman ang dismissal case noon laban sa kanya.
00:11Naglabas na mga litrato ang opisina ni Sen. Joel Villanueva kaugnay sa pagbasura ng Ombudsman noong 2019 sa nasabing kaso.
00:18Sa gitna yan ng napapabalitang paghiling ng Ombudsman ngayon sa Senado na ipatupad ang dismissal order laban kay Villanueva noong 2016 dahil sa pagkakadawit niya sa isyo ng maling paggamit ng kanyang Priority Development Assistance Fund noong siya'y isang mambabatas.
00:37Inilabas din ni Villanueva ang clearance ng Sandigan Bayan at ng Office of the Ombudsman ngayong taon na nagsasabing walang nakabindi na kaso laban sa kanya.
00:46Ayon sa Senador, inasahan na nila ang posibleng harassment at pagpapakalat ng fake news laban sa kanya.
00:54Ayon naman kay Sen. President Tito Soto, hindi pa siya makakapagkomento sa ngayon.
01:00Hinihintay daw niya ang komunikasyon mula sa Ombudsman.
Comments