00:00Going international na po ang matagal ng itinuturing na icon ng kulturang Pinoy, ang mga jeepney.
00:13Ayan, hindi po kayo namamalik mata mga kapuso ha.
00:17Nasa Frankfurt, Germany na ang makulay at ipinagmamalaki nating hari ng kalsada.
00:23Bahagi po yan ng Jeepney Journey, isa sa mga opening activity para sa isang book fair doon.
00:28Ayon sa may-ari nito mga kapuso, inimbitahan siya mismo ng Frankfurt City Government para i-exhibit ang jeepney.
00:36At gaya ng mga tradisyonal nating jeepney rito po ha, sa Pilipinas, kumpleto ang makulay na disenyo nito na mayroon pang sound system.
00:44Ang singil niya, naku, eto na, 10 euro cents o katumbas ng 6 na piso kada kilometro.
Comments