00:00Nananatili sa evacuation centers ng ilang residente sa Baler, Aurora, sa gitna ng masamang panahon dulot ng Bagyong Ramil.
00:07At may unang balita live si Jasmine Gabrielle Galvan ng GMA Regional TV.
00:11Jasmine, good morning.
00:16Good morning, Maris. Sa ngayon, patuloy pa rin ang monitoring ng provincial government.
00:20Ganun din ang iba't ibang lokal na pamahalaan sa mga river systems sa probinsya ng Aurora.
00:25Dalawang araw na sa evacuation center ang pamilya Shason mula sa barangay Pingit sa Baler, Aurora dahil sa Bagyong Ramil.
00:37Kasama ni Aling Anjeli ang kanyang apat na anak at dalawang pamangkin sa evacuation center.
00:42Hindi pa rin sila pinapayagang makauwi sa kanilang bahay dahil pa rin sa banta ng pagbaha, lalo pat ang kanilang bahay ay tabing ilog lang.
00:49Eh baka po, biglang umanong tubig.
00:52Kaya po dito kami pinapayag.
00:55Nagsisimula pa lang daw na bumaba ang tubig mula sa mga bayan ng San Luis at Maria Aurora patungo sa Baler.
01:04Kung tataas pa ang tubig sa ilog, posibli pang bahay ng mga nasa low-lying areas.
01:09We're still monitoring the situation kasi baka tumaas pa ang mga level ng tubig sa ilog natin.
01:15Dahil pan-coordination with other municipality na mas nauna sa amin, baka tumaas yung tubig nila.
01:23Sa amin kasi andrein dito sa bahay ng Baler.
01:25Lifted na ang liquor ban sa probinsya na natiling suspendido ang mga water activities sa Baler Beach.
01:3124 oras na may nakabantay sa Baler Beach ng mga pulis.
01:34Apektado talaga kasi walang mga, even the local, yung mga taga-baler mismo hindi talaga pumupunta.
01:41We have letter from the government natin eh, na hindi pwedeng magpapanigo ng mga guests.
01:47Kasi ang concern namin doon, it's safety of everyone.
01:51Sa Kabuan, maygit 1,200 na pamilya ang inilikas sa mga evacuation centers sa probinsya.
01:58Walang naitalang landslide o storm surge sa probinsya.
02:01Maliban lang sa flash flood o pagbaha sa kalsada sa bahagi ng barangay Janet sa Dipakulaw, Aurora.
02:13Maris, ngayong umaga, inaasahang pabalikin na ang mga residente sa kanil-kanilang bahay,
02:19especially yung mga nasa evacuation center pa rin hanggang sa ngayon.
02:22Samantala, ngayong araw na marinaasahang ilift na ang suspension sa water activities dito sa Baler Beach.
02:29Maris?
02:30Maraming salamat at ingat kayo dyan.
02:32Jasmine Gabriel Galban ng GMA Regional TV.
02:35Gusto mo bang mauna sa mga balita?
02:37Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Comments