Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Isang pamilya sa Pasay ang nagluluksa ngayon ng masawi ang isang batang babae na natrap sa kanilang bahay.
00:07Nakatutok si Jomera Presto.
00:11Nagtulong-tulong na ang mga residente para maapula ang sunog sa Mendoza Compound sa barangay 127 Pasay City, pasado alas 11 kagabi.
00:20Nagpapasaan sila ng mga timbang may tubig na ibinabagsak nila papunta sa isang truck ng bumbero
00:24para hindi maubusan ang supply ng tubig ng truck ayon sa Bureau of Fire Protection dahil dikit-dikit at gawa sa light materials sa mga bahay,
00:32mabilis na inakyat sa third alarm ang sunog.
00:34Napulang sunog dakong alas 12.22 ng hating gabi pero isang sampung taong gulang na babae ang namatay matapos matrap sa bahay habang natutulog ayon sa barangay.
00:45Wala raw sa bahay ang nanay nagtitinda noong mga oras na maganap ang sunog.
00:48Dito sa covered court ng Juan Sumulong Elementary School, pansamantalang manunuluyan ang mga residente na sunogan sa barangay 127.
00:55Ayon sa barangay, e papunta na ang mga modular tent na magagaling sa lokal na pamahalaan para maggamit ng mga apektadong residente.
01:03Si Soledad, walang gamit na naisalba. Inuna niya kasing ilikas ang kanyang labindalawang apo kasamang kanyang limang anak.
01:10May sumigaw po ng sunog na taranta na kami. Pinatay na namin yung suwitin sa bahay na...
01:15Si Ramon, hindi na ininda ang pilay para mailikas ang kanyang asawa na mayroong stage 4 bladder cancer.
01:22Hindi po siya makalakad masyado dahil konting ano lang po inihingil na siya.
01:26Sabi naman ang PASI LGU, bigyan na maayos na matutuluyan at atensyong medikal ang asawa nito.
01:31Ayon sa barangay, nasa mahigit 70 pamilya o mahigit 400 individual ang kapektado ng sunog.
01:37Sabi ng barangay, tinitignan pa kung sa ikalawang palapag ng isang bahay nagsimula ang sunog.
01:41Kung saan isang dalawang taong gulang na bata raw ang nasagip ng mga residente.
01:46Sa taranta siguro, naiwan. Siya lang yung tumakas.
01:50Yung bata, nanonood daw siya ng TV sa baba lahat.
01:53Ayon sa sabi ng kapitbahay.
01:56Ngayon yung second floor, walang tao.
01:58Hindi mo lang, biglang sumiklab na lang yung sunog.
02:01Patuloy ang investigasyon ng Bureau of Fire Protection kung ano ang pinagmulan ng apoy.
02:06Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatutok, 24 oras.
02:11Apresto nakatutok, 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended