Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Nasam-sam ang iba't ibang iligal na armas at 400,000 piso halaga ng hinihinalang shabu sa Angeles City sa Pampanga.
00:08At sa visa ng search warrant, sinalakay na matauhan ng CIDG ang isang bahay matapos makatanggap ng informasyon,
00:14kaugnay ng umano'y iligal na bentahan ng armas.
00:18Na-recover mula sa bahay ay iba't ibang uri ng baril, bala, mga accessory at ilang sachet ng hinihinalang shabu.
00:25Arestado sa operasyon ng suspect na dati na raw nahuli sa iba't ibang krimen.
00:29Wala pang pahayag ang suspect.
00:38Nakikipagtulungan ng DPWH sa Insurance Commission para mabawi ng gobyerno ang bahagi ng ginastos nito sa mga maanumalyang proyekto kontrabaha.
00:47Sa pagpapatuloy naman ng investigasyon ng Independent Commission for Infrastructure,
00:51nagsabi ang mag-asawang Curly at Sara Diskaya na hindi na sila makikipagtulungan sa komisyon.
00:57Saksi si Joseph Moro.
00:59Mailap pa rin sa media si Sara Diskaya nang dumating sa tanggapan ng Independent Commission for Infrastructure.
01:10Mailap din ang asawa niyang si Curly na bantay sarado hanggang sa lumabas sila pagkatabas ng isang oras sa pagdinig,
01:19hindi sila nagpa-unlock ng panayam.
01:22Ayon sa ICI, sinabi ng mag-asawang Diskaya na hindi na sila makikipagtulungan sa investigasyon nito.
01:28Upon the advice of their counsel, they invoked their right to self-incrimination and manifested that they will no longer cooperate with the investigation being conducted by the ICI.
01:42Ayon sa abogado ng mga Diskaya, inakala na mag-asawa na mas malaki ang chance na nila maging state witness kung makikipagtulungan sa ICI.
01:51Pero anila, sinabi rao ni ICI member Rogelio Singson sa isang panayam na sa ngayon ay walang qualified maging state witness.
02:00Wala pa nga kami, di ba sa gaya nga nang nasabi ko, it's too early to tell.
02:04Kasi kailangan natin makuha muna yung buong picture bago tayo makarekomenda kung kailangan magrekomenda.
02:10September 19 lang, nagsimula ang investigasyon ng ICI.
02:15Ayon sa Independent Commission for Infrastructure o ICI, hindi rao makakaapekto sa investigasyon na kanilang ginagawa ang hindi pakikipagtulungan ng mga Diskaya.
02:24Nasa labing anim na mga resource persons ang naipatatawag ng ICI at nakapagsimite na rin naman daw ng kanilang mga affidavit ang dalawa.
02:33Ayon sa Office of the Ombudsman Misguided o mali ang gabay sa mga Diskaya, pakikipagtulungan sa gobyerno anila ang tangi magagawa ng mag-asawa.
02:41Hindi naman nakaharap sa ICI si dating Public Works Undersecretary Roberto Bernardo dahil daw sa sakit.
02:47Na-ospital naman itong lunes pero balik Senate detention na ulit ngayong araw si dating DPWH District Engineer Henry Alcantara.
02:55Isa si Alcantara sa mga sinampahan ng DOJ kahapon ng reklamang graft sa Ombudsman dahil sa monogos project sa Bulacan.
03:02Kasama rin ang mga dating Assistant District Engineers na sina Bryce Hernandez at JP Mendoza.
03:08Sabi ng abogado ng dalawa umaasa silang kikilalanin ng DOJ na essential ang kanilang testimonya at ikokonsidera sila bilang state witness.
03:16Labing anim pang personalidad ang pinadadagdag ng ICI sa Immigration Lookout Bulletin.
03:22Sinisika pa namin silang hinga ng pahayag.
03:25Ang DPWH na kikipagtulungan na rin sa Insurance Commission para mabawi kahit 30% ng contract price ng mga proyekto sa mga insurance company na mga tiwaling kontratista ng flood control projects.
03:3730% lamang ang pinakamataas na insured amount ng mga proyekto.
03:41Pagka may kaso na may ebidensya na either ito ay ghost o napaka substandard o maanumagya, immediate po susunda na namin yun ng pagpafile ng claims under this agreement with the Insurance Commission.
04:00Pwede naman raw habuli na mga insurance company ang mga tiwaling kontratista.
04:05Sila naman ay mayroong karapatan under the law na bawiin yung kanilang binigay na bayad sa insurance dun sa in-insure nilang kontratista.
04:13Sinisingil na ang mga insurer ng ghost projects sa First District Engineering Office ng Bulacan.
04:18Sa Liberty Insurance, sa Travelers Insurance, tsaka Sterling Insurance.
04:26Lahat yun, iba't ibang proyekto, sumulat na kami.
04:30Kinukuha pa namin ng panig ng mga nabanggit na insurance company na ayon sa DPWH ay di pa rin daw sumasagot sa kanila.
04:37Sana, magkusa na sila. Magkusa na sila. Huwag na silang mag-legal-legal pa.
04:46Lalo na kung lalo na ngayon na ghost ang pinapriority natin.
04:51Sana, magkusa na sila at ibalik na nila yung claim na yun.
04:56Huwag na natin paabutin pa sana sa court ito.
04:58Pero kung magmatigas sila at gabanan nila, wala tayong choice. Pasensyaan tayo.
05:04Sa gitna ng mga investigasyon, naniniwala si Pangulong Bongbong Marcos na hindi iaabot sa Malacanang ang mga aligasyon kaugnay ng flood control projects.
05:13Well, I'm confident because I know what we did or did not do.
05:19But if we investigate everybody, we follow the evidence.
05:26And wherever that leads is not something that we try to direct or influence.
05:33That's why we have the ICI.
05:37Ang Pangulong nagungkat sa flood control projects sa kanyang zona noong Hulyo.
05:41Nasundan niya na magkakahiwalay na investigasyon pero makalipas ang ilang buwan, wala pa rin napapanagot.
05:47Kaya masidhi ang panawagan ng mga mamamayan mula sa mga ordinaryong Pilipino.
05:51Hanggang sa mga personalidad,
06:01Ikulong ang mga magnanakaw.
06:04Ang mga panawagan,
06:05Kumabot na hanggang sa mga konsert,
06:10Sa mga sports event,
06:15At magingin sa prestigyosong pagtitipon gaya ng Sinamalaya.
06:26Artista ng bayan!
06:28Ngayon ay lumalaban!
06:31Artista ng bayan!
06:33Kulong yung mga korakot!
06:35Laban sa korakot!
06:36Kada biyernes nga ay may mga protesta kontra katiwalian.
06:39At sa November 30, isang malakihang marcha ulit ang isasagawa sa iba't ibang lugar sa bansa.
06:46Parang hindi naiibsa ng galit dahil nga katulad itong sa ICI,
06:50humihingi tayo ng transparency vis-a-vis their desire for security and confidentiality.
06:57Pangalawa, nakikita natin na tuloy-tuloy ang korupsyon.
07:01Kailangan katukin sila na pakinggan na ang taong bayan.
07:04Kaya mga korakot!
07:06Para sa GMA Integrated News, ako si Joseph Morong.
07:09Ang inyong saksi.
07:16Bago sa saksi, pinakakansila ng korte ang pasaporte ni na dating PCSO General Manager Royina Garma,
Be the first to comment