Skip to playerSkip to main content
Nawalan ng tirahan, at naabo rin ang mga alagang hayop ng nilang nasunugan sa Bacoor, Cavite at Cebu City. May report si Ian Cruz.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nawala ng tirahan at naaborin ang mga alagang hayop ng mga nasunugan sa Bacoorcavite at Cebu City.
00:07May report si Ian Cruz.
00:12Nabalot na makapal na usok ang residential area sa boundary ng Bacoorcavite at Las Piñas City pasado alas 9 ng umaga.
00:22Umakyat sa ikaapat na alarma ang sunog.
00:25Kinailang umakyat sa bubong ng mga bumbero.
00:27Tumulong na rin ang mga residente.
00:31Mag-aalauna ng hapon nang maapula ang sunog.
00:35Gawa sa light material yung mga bahay dito sa bagong silangan sa loob ng San Nicolás 3 dito sa Bacoorcavite.
00:41Kaya naman makikita po natin talagang tinupok ng apoy itong mga bahay dito.
00:46Sa ngayon ay nagahanap ng mga mapapakinabangang gamit ang mga residente dahil karamihan sa kanila wala halos na isalba.
00:54Isa sa dahilan, mahirap talagang pasukin.
01:00Gumamit ng mahabang Jose at saka sa light materials nga.
01:03Saka dikit-dikit talaga bahay.
01:05Isa sa mga nasunugan si Nersa, kasamang naabo ng bahay niya ang dalawang alagang aso.
01:10Masakit po talaga sir, parang baby ko ngayon yung mga yun eh.
01:14Halos wala na rin natira sa pinaghirapang bahay at tindahan ni Philemon bukod sa naipon niyang tatlong timbang barya.
01:21Sana matulungan po kami ng pamala. Matulungan po kami dito ng kababayan namin.
01:25Ang mag-asawang Teresita at Junisio, mabigat din ang loob na back to zero sila dalawang buwan bago magpasko.
01:32Ngayon lang ako nakaranas ng dito.
01:34Hanggang anim na raang bahay ang natupok ayon sa BFP Bacoor.
01:38Nasa siyam na raang pamilya ang apektado.
01:41Meron daw nag-away na mag-ama. Totoo po ba yun na yun ang dahilan kung ba't may sunog?
01:45Base po sir sa initial na investigation, hindi naman po sir totoo yun.
01:48Bali, alleged lang naman siya. Pero per investigation sir, pinutukoy natin talaga kung saan talaga nagsimula yung apoy.
01:55Dalawang sunog naman ang sumiklab sa Cebu City.
01:57Una sa barangay Dulho, kung saan labindalawang istruktura.
02:01Ang natupok.
02:03Nasa 200,000 piso ang halaga ng pinsala.
02:06Inaalam pa ang pinagmula ng sunog.
02:08Sabi ng ilang residente, may narinig silang pumutok bago lumaki ang apoy.
02:12Nang maapulang apoy, tumamad ang sunog na katawan ng dalawang aso.
02:19Pahirapan ang pag-apula sa sunog sa barangay Labangon dahil sa makitid na daan.
02:24Pinagdugtong-dugtong na ang mga hose para maabot ang looban.
02:28Tatlong bahay ang natupok, isang aso ang nakitang patay.
02:33Ayon sa may-ari ng bahay kung saan sinasabi nagsimula ang sunog.
02:37Pusibleng sa pinaglaro ang posporo ng kanyang mga apo nang galing ang apoy.
02:42Patuloy ang investigasyon.
02:43Higit at noong daang libong piso ang halaga ng pinsala.
02:48Ian Cruz, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended