Skip to playerSkip to main content
Sa mga nagbabalak namang mag-trabaho abroad -- puwedeng mag-apply bilang hotel worker sa Croatia! Mahigit P60,000 ang paunang buwanang sahod pero pwedeng umabot sa halos P100,000.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa mga nagbabalak namang magtrabaho abroad, pwedeng mag-apply bilang hotel worker sa Croatia.
00:07Mahigit 60,000 pesos ang paunang buwan ng sahod, pero pwedeng umabot sa halos 100,000 piso.
00:14Nakatutok si JP Soriano.
00:19Magkaklase sa housekeeping course si Rowie at Chris at sabay nakakuha ng National Certificate II o NC2,
00:26isang requirement para makapagtrabaho bilang skilled worker sa abroad.
00:30Ngayon, nakaschedule na sila para sa final interview bilang room attendant sa isang hotel sa Croatia.
00:37Nagbabalak po ako mag-apply for abroad, then may test na na po ako bago ko pa po nalamin naman.
00:43Nitong Enero, pinirmahan ng Pilipinas at Croatia ang Memorandum of Cooperation para sa Direct Hiring
00:49ng Croatia para sa mga Pilipinong manggagawa.
00:51Libu-libong hotel workers gaya ng housekeepers, front desk, at office staff ang kailangan doon.
00:58The government-to-government or G2G pilot hiring program providing job opportunities
01:05for Filipino workers in Croatia's thriving hospitality sector.
01:11With much excitement.
01:13Mahigit 60,000 pesos ang paunang sahod, bukod pa sa maayos at libring tirahan at medical benefits.
01:19Wala rin placement fee at tanging sa DMW lang mag-a-apply.
01:25Kaya di na ito pinalagpas ni Chris.
01:27Kahit anong sipag mo, ganito lang sinasahod mo ng Manila rate na nga,
01:33pero mababa pa rin kung hindi pa rin sapat para sa pangangailangan ng pamilya.
01:38At inaasahang tataas pa ang sahod na itatakda para sa mga Pilipinong manggagawa,
01:44ayon mismo sa Croatian Labor Ministry.
01:46Salaries in Croatia are really going up. In that sense, they are roughly around 97,000 pesos.
01:53We really want to match talent with jobs but provide for safety.
01:58Magkakaroon ng jobs fair para sa mga employer na kasama ng mga opisyal ng Croatia.
02:03Kasama nila ang Croatian Foreign Minister na nakipagpulong rin kay Foreign Affairs Secretary Teresa Lazaro
02:09para sa posibleng kasunduan sa defense at trade at investment.
02:14We would be very happy to fill all the positions that we have vacant with people from the Philippines.
02:21Muling paalala ng DMW wag mag-a-apply sa mga trabahong inaalok sa social media,
02:27pati na rin sa mga cross-platform instant messaging apps para hindi mabiktima ng illegal recruiters at human trafficking.
02:34Tignan muna kung aprobado ang job orders at kung lisensyado ang recruitment agency sa website ng DMW.
02:43Para sa GMA Integrated News, JP Soriano, nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended