Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Payo ng mga animal welfare group, huwag kalimutan ng mga alagang hayop sa pagpaplano ng paglikas sakaling may lindol o iba pang sakuna.
00:09Saksi, si Nico Wahe.
00:13Walong pusa at anim na aso ang alaga ng pamilya ni Laura sa Marikina City.
00:18Ang mga alagang aso nasa first floor ng kanilang bahay.
00:22Ang mga pusa niya narito sa third floor at may sariling kulungan.
00:26Nangangamba siya para sa mga alaga sakaling magkaroon ng malakas na lindol gaya ng nangyari sa Cebu at Davao.
00:33Nang makita niya ang video kung saan nagsagawa ng earthquake drill ang use cooper na si Frenzin Torres at mga aso niyang golden retriever at Shih Tzu,
00:41nagka-idea raw si Laura.
00:42Nung may nakita kong post sa GMA nung TikTok nga na nag-earthquake drill sila nung aso nila,
00:49so naisip ko kailangan ko rin talagang i-ano yung mga pusa.
00:52Kasi nasa third floor po kami, nahirap kapag hindi kami nakalabas.
00:57Will to live na raw ni Laura ang mga alaga.
00:59Hindi niya raw kakayanin kapag may nangyaring hindi maganda sa mga ito.
01:03Kaya bumili na siya ng backpack at cages na kakailanganin sa pag-evacuate.
01:07Ito po yung compartments, tapos dapat naka-halfway open lang po para madaling ipasok yung mga cats.
01:15Tapos dito po sa gilid, dapat lagayan siya ng tubig pero nilagyan ko ng emergency kit.
01:21Tapos dito po yung cat food nila.
01:25Ang mga aso, train daw sumunod sa kung saan dapat pupunta kapag may emergency.
01:29Ito yung likurang bahagi ng bahay nila Miss Laura.
01:33Ito yung pinto palabas dito sa open area.
01:37Ang training ng mga aso nila, once na nakabukas na itong pinto na ito sa likod,
01:43ay pwede nang lumabas yung mga aso para pumunta dito sa open area kung saan mas ligtas,
01:49lalo na sa panahon ng lindol o iba pang sakuna.
01:52Ayon sa Animal Kingdom Foundation, kailangan din talagang paghandaan kung paano ang evacuation plan para sa mga alaga
02:01sakali mang magkaroon ng mga kalamidad gaya ng lindol.
02:05Kailangan meron tayong go bag.
02:07Alam natin na lahat ng mga lugar ko ang pet units ngayon at mga grupo,
02:11pinopromote yung go bag.
02:13And that go bag should not just for our benefit ng tayong mga tao pa,
02:18it should also include necessities naman for our pets like pet food, pet treats, water, and vitamins.
02:27Tulad daw ng tao, naa-apektohan din ang pets kapag may sakuna.
02:31Siyempre kung tayo ay put at risk, ganun din sila.
02:35Meron din physical effects iyan like sila ay ma-endure, sila ay mabagsakan or mag-layan or masugat.
02:45So, those similar risks na nahaharap sa ating mga tao, ganun din sila.
02:51At bukod dyan, nagsasuffer din sila ng pinatawag nating psychological trauma
02:56or may psychological effects din ito sa kanila.
03:00Sakaling maiwan sa bahay ang pet, siguruhin lang na walang babagsak sa kanila.
03:05Mas mabuti rin daw na pakawalan ng mga alaga sa bahay
03:07kaysa nakakulong para kapag dumating ang kalamidad o sakuna,
03:11ay mas may pag-asa silang makaligtas.
03:13Yung survival instinct nila, Niko, ay napakalakas.
03:18Kaya nga lagi natin sinasabi na yung alam natin sa mga baha,
03:23please make sure na huwag nyo silang ikulong
03:26because they'll try to find ways to help themselves, to save themselves.
03:31Para sa GMA Integrated News, ako si Niko Wahe, ang inyong saksi.
03:35Mga kapuso, maging una sa saksi.
03:39Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment