00:00At dahil po sa sunod-sunod na lindol sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas,
00:04pinag-hahandaan ng may LGU sa Metro Manila ang pagtama ng pinahambahang The Big One.
00:09Alamin ang kanilang hakbang sa pagtutok ni Jonathan Landal.
00:15Ito ang gumuhong Ruby Tower sa Maynila nang tumama ang magnitude 7.3 na lindol
00:22sa kasiguran aurora at naramdaman hanggang Metro Manila noong August 2, 1968.
00:28Mahigit dalawang daan ang namatay sa gusali lang na ito.
00:32Ito ang dahilan ng pagsasabatas ng National Building Code noong 1972.
00:38Ngayon may nakatayo ng gusali rito na pinangala ng Ruby Tower Hall
00:42sa kanto ng Doroteo Jose at Alonzo sa Santa Cruz, Maynila.
00:46Malapit dito nakatira si Apiong Saludes na isa sa mga natabunan noon at nakaligtas sa Ruby Tower.
00:53Nilabas ko lang yung kamay ko. Mayroong tao dun sa ibabaw.
00:56Tapos sabi, oh, hindi tao rito. Yun.
01:01Ano ko. Nahalukat yung mga kable, mga bakal.
01:08Yun, doon ako nakalabas.
01:10Aminado siya na ngayong sunod-sunod ang mga malalakas na lindol sa Visayas at Mindanao
01:14na noon nung balik sa kanya ang takot, lalo pa sa kanilang bahay na yari sa kahoy.
01:20At katabi ng mga gusaling pwede silang bagsakan.
01:22Delikado rin yun. Kung malakas, magkagabali-bali yung mga kahoy.
01:29Si Javilina nakatira ngayon sa mismong Ruby Tower Hall.
01:33Sa tingin ko naman, matibay na ito. Hindi katulad nung una.
01:36Kasi nakailang lindol na dito.
01:37Kaya rin din naman kami. Kasi alam naman namin na darating talaga yan.
01:43Kaya lang, siyempre, pananalig sa Diyos, importante.
01:46Dito sa Maynila, inutusan na ni Mayor Isco Moreno ang lahat ng 896 na barangay na maghanda sa posibleng malakas na lindol.
01:55Ang Manila City Disaster Risk Reduction Management Office, inihahanda na ang mga gamit pang responde sa lindol.
02:02Gaya ng mga thermal camera na kayang madetect ang init ng katawan ng tao kahit pa sa ilalim ng mga debris.
02:08Meron din silang search camera na may mic at speaker sa dulo para makausap ang mga natrap sa mga gumuho.
02:14Nagpunta sa Cebu si Metro Manila Council President San Juan Mayor Francis Zamora.
02:19Nakita raw niya ang kahalagahan ng paghahanda.
02:21Kaya paaalalahanan niya raw ang mga Metro Manila Mayor na magkasamuli ng mga earthquake drill
02:26at mag-inspeksyon sa mga infrastruktura sa kanilang lungsod.
02:30Actually, nag-usap pa kami kanina ni M.M.D. Chairman Ballarders at sa susunod na mga pagpupulo ka eh,
02:37priority po ito sa aming agenda na yung puri-turi na pagkasamay at paghanda.
02:42Dalo na't nakita nga natin na nakakasunod sa mga mga paglindol sa ipatibang pahagi na ating bansa.
02:48Sakaling tumama ang The Big One,
02:51hahatiin ang Metro Manila sa anim na sektor para sa mas mabilis na responde at paglikas.
02:56North 1 ang Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela.
03:00North 2 ang Quezon City.
03:02East sector ang Pasig, Marikina.
03:05West sector naman ang Maynila, Mandaluyong, San Juan.
03:08South sector 1 ang Las Piñas, Muntinlupa, Paranaque, Pasay.
03:13At South sector 2 ang Makati, Taguig, Pateros.
03:17Huling gumalaw ang West Valley Fault noong 1658, 367 years na ang nakararaan.
03:25Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal nakatutok, 24 oras.
03:30Ang kabikabilang sakuna at kalamidad sa Pilipinas nakakapagod para sa mga biktima, anuman ang edad.
03:37Ang tawag po dyan, disaster fatigue, na ayon sa mga eksperto,
03:40nag-ugat sa pakiramdam na tila wala tayong kontrol sa mga nangyayari.
03:45Ang payan ng mga eksperto alamin sa pagtutok ni Maki Pulido.
03:52Tuwing malakas ang ulan, natatakot na si Lizelle.
03:56Nanginginig ka na hindi mo natataranta ka na, hindi mo alam kung anong uunahin mo.
04:00May trauma na rin ang mga batang anak ni Riza.
04:02Kasi yung panganay ko nga ho, alam niya na yung lolo niya, which is tatay ng asawa ko, namatay sa leptospirosis.
04:11So parang may trauma yung anak ko na pag umapak siya sa baha, magkakalepto siya.
04:16Kwento nila, nagsimula ito nang dumalas ang baha sa kanilang komunidad sa Riverside Extension, Barangay Commonwealth, Quezon City, wala noong 2023.
04:24Kumipot daw ang ilog sa lugar nila da sa inilagay roong flood control project.
04:28Wala pong tulog, minsan mamatsagan mo yung tulay. Kung natulog ka na alas 8, gigising ka na mo yung meme, titignan mo yung tulay kasi baka mamaya kumaasan naman yung tubig.
04:38Sa 10th City sa Barangay Cogon, Bogos City, Cebu, nagkukubli sa ngiti ng mga naglalarong bata ang matinding takot dahil sa magnitude 6.9 na lindol noong September 30.
04:49Natrama.
04:51Kaya natuog ko ba niya, nikalag naguyog niya, nakuhaan mo sa mga nakuyawan.
04:56Ang iba, napapanaginipan pa rin daw ang bangungot ng lindol at mga aftershock.
05:05Ang mga kalamidad na ito sa Pilipinas, nakakapagod ding suungin lagi.
05:21Disaster fatigue ang tawag dito, ayon kay Dr. Joandre Farial, Pangulo ng Philippine Psychiatric Association.
05:28It can be changes ng sleeping patterns, eating patterns, maaaring may mga body aches and pains, headache, feeling of uncertainty, natatakot kasi niya din alam kung kailan susunod magkaroon ng earthquake or bagyo or baha.
05:44Kitang-kita po dyan, yung lalapit pa lang sa'yo, umiiyak na, meron na hong mga intense na mga stress and anxieties and trauma.
05:54Ang ugat daw ng disaster fatigue ay ang pakiramdam na wala kang kontrol sa mga pangyayari.
05:59Kaya pa yun ni Dr. Farial.
06:02Fokus tayo sa mga bagay na meron tayong control over para we feel less hopelessness, less helplessness.
06:12Kasi alam natin na meron tayong maaaring mga emergency numbers kaagad.
06:16Natatawagan, alam natin kung saan tayo pupunta, saan natin imi-make sure na safe ang ating mga anak.
06:22Tulad halimbawa ng paghahanda ng go-bag, alamin ang mga emergency contact numbers o alamin ang mga ligtas na evacuation center.
06:30Sa Tent City, sa Bugo, may nilalaang psychosocial first aid para ibsan ang trauma sa mga nilindol.
06:36May dinisenyo rin daw ng mga child-friendly space.
06:39Binibigyan natin ng opportunity yung mga bata na mag-enjoy para ma-divert yung Maynila from trauma to a normal situation.
06:46Para makaagapay, payo ni Dr. Rifarial, mahalagang magtulungan at tugunan ang pangangailangan ng isa't isa.
06:53Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido nakatutok 24 oras.
06:58Hindi maitatangging may takot sa lindol ang mga nakatira at nagatrabaho sa matataas na gusali.
07:04Ang mga dapat gawin kapag inabutan ng lindol habang nasa high-rise building sa pagtutok ni Darlene Kay.
07:10Sa labing apat na taong paninirahan sa kondominium sa Mandaluyong ng senior citizen na si Elizabeth,
07:19ilang bagyo at lindol na ang dumaan at ligtas naman daw sila rito.
07:23Pero iba ang kabanya ngayong sunod-sunod ang malalakas at mapaminsal ang mga lindol sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas.
07:31Nakatira sila sa 10th floor pero katumbas ito ng ikatwentieth floor sa ibang gusali dahil loft type ang mga unit sa kanila.
07:38Ang kinaninervis mo namin of course is praying na mag-hold on together itong foundation na foundation ng building.
07:47Honestly, we are at disadvantage kami sa kondo kasi una-una we could not just go down mataas.
07:55Mayroon ng issue of distance and effort para makababa.
08:00Pero ayon sa isang grupo ng structural engineers, hindi dapat magpanik dahil sinisiguro ng National Structural Code of the Philippines
08:09nakakayanin ang mga gusali ang hindi bababa sa magnitude 7 na lindol.
08:13I would generally say na yung condominiums and office buildings, mostly high-rise structures, are generally safe in terms of structural design.
08:25Sa mga high-rise buildings, gumagamit na tayo ng mga sheer wall.
08:30Ito yung mga buhos ng mga pader na tumutulong para ma-resist ng mga mataas na building yung mga malalakas na lindol.
08:41Para sa mga nakatira o natatrabaho sa high-rise buildings, maaring humingi sa building administrator o sa developer
08:47ng dokumentong makapagpapatunay na dumaan sa tamang inspeksyon ang gusali.
08:52Posiblian niyang mas kayanin pa ng high-rise buildings ang malakas na lindol
08:56kumpara sa mas mababang istruktura lalo kung hindi ininspeksyon ng maigin ng eksperto gaya ng architect o engineer.
09:05Dati na rin itong sinabi ng FIVOLCS.
09:07Base sa pag-aaral na ginawa ng MMDA, FIVOLCS at JICA o Japan International Cooperation Agency noong 2004,
09:14tinatayang 40% ng residential buildings sa Metro Manila ang posibleng gumuho o maapektuhan
09:22oras na magkaroon ng magnitude 7.2 na lindol dito o iyong tinaguriang the big one.
09:28Sabi ng FIVOLCS, plano nilang i-update ang pag-aaral sa susunod na taon.
09:32Batay sa isa pang pag-aaral ng FIVOLCS at Tokyo Institute of Technology noong nakaraang taon,
09:38marami sa mga gusali sa Metro Manila at Cebu ang hindi pasado sa shake test.
09:43Sa isang daang gusali na sinervy sa Metro Manila at Cebu,
09:46mas matagal ang galaw kung yanigin kumpara sa itinakda ng National Building Code
09:50para sa high-rise buildings na dapat 0.1 second lang kada palapag.
09:56Patuloy na sinisiguro ng pamahalaan na hindi sila tumitigil sa mga paghahanda
10:00para sa lindol at iba pang kalamidad.
10:03Sakaling lumindol habang nasa high-rise building,
10:06mag-duck, cover and hold habang yumayanig.
10:09Dapat alam din kung nasaan ang emergency exit sa gusali.
10:13Kapag tumigil ang pagyanig, saka palang dapat lumabas ng gusali.
10:17Wag na wag ding gumamit ng elevator.
10:18Para sa GMA Integrated News, Darlene Kay nakatutok 24 oras.
Be the first to comment