Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Dati na pong pinagmula na malalakas na lindol ang Philippine Trench na matatagpuan sa dagat sa silangang bahagi ng bansa.
00:07Isa lang po yan sa 6 na trench sa Pilipinas.
00:10At nilinaw rin ang FIVOX na hindi magkakaugnay ang magkakasunod na lindol sa Mindanao, sa Visayas at sa Luzon.
00:17Saksi si JP Soriano.
00:23Magnitude 6.9 na lindol sa Cebu noong September 30.
00:27Magnitude 4.4 na lindol sa La Union kahapon.
00:31At kaninang umaga lang, magnitude 7.4 na lindol sa Mindanao na ang epicenter sa dagat na sakop ng Manay-Dabao Oriental.
00:40At nasundan pa ng magnitude 6.8 na lindol ngayong gabi.
00:45Kaya di maiwasang mga amba at mapatanong ng marami, magkakaugnay ba ang mga ito?
00:51Pag nilinaw ng FIVOX, wala itong kinalaman sa isa't isa.
00:54The Philippines is very much active tectonically and we have more than 180 active fold segments and we also have 6 trenches.
01:05And there's always this possibility na magkakaroon ng paglindol sunod-sunod.
01:10In fact, every day we record at least 30 earthquakes a day coming from different segments of, coming from different active fold segments of the country as well as coming from the different trenches.
01:20Ang lindol sa Mindanao dahil sa pag-alaw ng lupa sa Philippine Trench na may habang 1,284 kilometers.
01:29Ayon sa FIVOX, nagbabanggaan sa ilalim ng dagat ang dalawang tectonic plates o dalawang malaking piraso ng lupa.
01:36Yung trench naman at yung seafloor natin gumigit-git papailalim, we have the line dun sa dagat natin and gumigit-git yung seafloor natin dun sa trench.
01:48And as a result, yung paggigit-git niya, nagkakaroon ng friction and once the friction is released, yun yung nagkakaroon ng paglindol.
01:55Ilang beses na raw nakapagtala ng malalakas na lindol sa lugar.
02:00Bukod sa Philippine Trench, may lima pang trench sa Pilipinas, ang Negros Trench, Sulu Trench, Cotabato Trench, East Luzon Trough at Manila Trench.
02:10Ibaraw ito sa mga fault na dahilan naman ng lindol sa Cebu at La Union.
02:15Generally, mga trenches natin are capable of generating great earthquakes. When we say great earthquakes, these are earthquakes greater than 8.
02:25And yung mga faults naman natin, yung magnitude na pwede niya i-generate would be based on its length.
02:32So the longer the fault, the higher the magnitude it would be able to generate.
02:39At muling giit ng FIVOX, hanggang ngayon wala pa rin paraan para matetect kung kailan parating ang isang lindol.
02:44Kaya huwag daw ba siya maniniwala sa mga pinupost sa social media o mga nagpapadala ng text na mayroong parating na lindol.
02:50Ang pwede raw natin gawing lahat, laging maging handa at alerto hanggat maaari huwag magpanik at sundin ang mga alituntuneng itinakda kapag may lindol.
02:59Kasama na diyan ang pag-dock, cover and hole habang lumilindol.
03:03Lumayo sa mga bagay na maaaring bumagsak.
03:06Iwasan ding tumakbo habang lumilindol pa kapag huminto na ang pagyanig.
03:11Saka lumabas sa open area.
03:13Si Pangulong Bongbong Marcos iniutos sa mga ahensya ng gobyerno ang paglikas sa mga residente sa coastal areas at pagtugon sa pangangailangan ng mga apektadong residente.
03:24Hinikayat din niya ang mga residente na maging alerto at kalmado.
03:29Tatlong planta ang magkakasabay na nag-offline o tumigil ang operasyon dahil sa auto-tripping.
03:34Naapektohan nito ang isang linya ng kuryente pero naibalik din agad matapos ang mahigit kalahating oras.
03:40Sa limang electric cooperatives naman na naapektuhan ng lindol, tatlo nalang ang may partial power interruption sa mga sakot nilang lugar.
03:49Kabilang ang mga electric co-ops sa Davao Oriental, Davao del Sur at Northern Davao.
03:55Patuloy na sinusuri ang mga pasilidad ng tatlong private distribution utilities.
03:59Kabilang ang Davao Light and Power Company o DLPC na may substation din na nag-trip.
04:05Ibig sabihin walang kuryente. It can be caused by the distribution itself kung mga linya nila or it could be caused by NGCP or power plants nearby.
04:16So it could be caused by different parts of the energy system.
04:22Ayon sa DOE, ina-assess pa nila ang lawak ng pinsala ng lindol.
04:26Nakahanda naman daw ang Task Force on Energy Resiliency na nakikipag-ugnayan sa National Disaster Risk Reduction Management Council.
04:35Ang paliparan sa Davao, bagamat nagtamo ng minor damage sa runway na nanatili namang bukas sa publiko.
04:42May minor damage sa runway natin pero the structural integrity of the other facilities there is okay.
04:49Minor cracks naman sa Logistics Building ang nakita sa Dipolog Airport ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP.
04:59Para sa GMA Integrated News, ako po si JP Soriano, ang inyong saksi.
05:05Mga kapuso, maging una sa saksi.
05:08Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended