Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Oh my God!
00:02Ah Lord!
00:03Yeah!
00:11Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:15Kasunod sa Northern Luzon at sa Visayas, Mindanao naman,
00:20ang nilindol ngayong araw.
00:21Magnitude 7.4 ang paginig na naitala sa dagat sa timog silangan ng Manay Davao Oriental.
00:29Hindi na bababa sa anim ang nasawisa ngayon, maraming bahay at infrastruktura rin ang gumuho sa pagyanig kaninang umaga.
00:37At sa pinakahuling datos ng FIVOX, halos tatlong daang aftershocks na ang naitatala sa Mindanao at Visayas.
00:44Mula sa Davao City, nakatutok live si Sarah Hilomen Velasco ng GMA Regional TV.
00:51Sarah.
00:52Mel Emil Vicky Nagulantang, ang mga residente dito sa Davao City,
01:00matapos maramdaman ang magnitude 7.4 na lindol na tumama sa Manay Davao Oriental kaninang umaga.
01:07Ilang esudyante sa lungsod ang nasugatan matapos mahulugan ng debris.
01:12Nabalat ng takot ang mga esudyante ito sa Mapua Malayan Colleges of Mindanao sa Davao City
01:24nang yumanig ang magnitude 7.4 na lindol.
01:30Mag-aalas 10 ng umaga kanina.
01:32Dahil walang masilungan, mga upuan ang ginamit na proteksyon ng mga esudyante.
01:39Sa gitna ng unti-unting pagbagsak ng bahagi ng kisame.
01:47Sa isa pang kuha mula sa eskwelahan.
01:52Madilim dahil nawalan na ng kuryente sa silid-aralang ito.
01:56Nagkalap na rin ang mga debris sa sahig habang papalabas ang mga naghihiyawang esudyante.
02:19Kita rin kung gaano kalakas ang lindol sa kuhang ito.
02:26Kung saan nagbagsakan ang kisame pati mga ilaw.
02:32Hindi rin magkumahog sa pagtatagong sa ilalim ng mga mesa ang mga trabahador.
02:44Balot din ang takot habang lumabas sa madilim na fire exit.
02:48Sa labas ng mall, humahagul-gul sa takot ang kanila mga kasamahang balot ng dumi ang uniforme.
03:02Sa San Pedro College, nagkaroon ng chemical spill sa ika-anim na palapag ng gusali.
03:08Agad naman itong nerespondihan ng Bureau of Fire Protection.
03:10Naitala ang epicenter ng lindol, 44 na kilometro timog silangan ng Bayan ng Manay sa Davao Oriental.
03:20Ang lakas niyan, ramdam na mga residente sa harap ng tindahang ito sa Barangay Rizal.
03:25Halos iwagayway na ng lakas ng pagyanig ang gate at mga paninda.
03:41Sa post ni Atty. Israelito Toriyon, nagkalat ang malalaking tipak ng bato at mga puno sa gitna ng kalsada.
03:48May mga nasira ding bahay.
03:51Ganyan din ang sitwasyon sa Bayan ng Lupon.
03:54Nagtumbahan sa lakas ng lindol ang mga oxygen tank.
03:59Nagugaan din ang mga gamit sa loob ng bahay.
04:04Kita rin ang naging pinsala ng pagyanig sa bahay na ito sa Bayan ng Baganga.
04:12Pati na sa ilan pang mga bayan sa Davao Oriental na binisita ng BFP.
04:16May napinsalang tulay, nasirang mga bahay at napinsalang gusali.
04:21May ilang individual ding kinailangang i-rescue.
04:25May ilang pasyente rin ng Davao Oriental Provincial Medical Center ang inilikas muna sa labas ng gusali.
04:33Gayun din sa Southern Philippines Medical Center sa Davao City.
04:36Sa Bayan ng Nabunturan, napayuko at napakapit na lang sa isa't isa ang mga residenteng ito.
04:47Sa Panabo sa Davao del Norte, kita kung paanong niyugyug ng lindol ang mga nakaparadang truck ng bumbero at ambulansya.
05:04Sa General Santos City, naglabasa ng mga isudyante ng paaralang ito.
05:16May mga inirescue rin matapos mahimatay.
05:20Kasunod ng nangyaring lindol ng 9.43 ng umaga, agad na naglabas ng tsunami warning ang FIVOX sa mga coastal areas.
05:28Pero binawi rin ito bago mag-alas dos ng hapon.
05:31Ayon sa Office of Civil Defense Region 11, nasa anim na ang naitalang nasa wibunso ng magnitude 7.4 na lindol sa Davao Oriental.
05:50Samantala, itinaas na ng Davao CD-RRMO ang red alert status upang paghandaan ang mga posibleng aftershocks matapos ang malakas na lindol.
05:59Vicky?
06:00Ingat kayo! Maraming salamat sa iyo, Sarah Hilomen Velasco ng Jimmy Regional TV.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended