00:00Nais palaguin ang gobyerno ang kakayanang bansa na gumawa ng sarili nating armas at iba pang mga gamit pang militar.
00:07Kasama po rito ang paglikha ng sarili nating mga drone at maging barko na pwedeng magpatrolya sa West Philippine Sea.
00:15Saksi si Chino Gaston.
00:20Mga drone na kayang maghulog ng mga bomba o magsagawa ng aerial reconnaissance.
00:26Barko na kayang magpatrolya sa West Philippine Sea.
00:29Mga assault rifle, sniper rifle at body armor na gawang Pinoy.
00:33Ilan lang ang mga ito sa mga sandata at teknolohya ng local defense industries na balak palaguin ang gobyerno alinsunod sa Self-Reliant Defense Posture Program o SRDP.
00:45Sa ngayon kasi, halos lahat ng barko, eroplano, armas at iba pang gamit ng militar binibili pa sa ibang bansa.
00:52Yung capabilities na continuously ina-acquire natin na 100% foreign owned.
00:58Eventually, we will have our own capabilities na partnered with local industries.
01:05Yun naman yung intention natin, ma-trigger yung industries natin to the SRDP law.
01:10So, yung ating dependence and reliance sa mga foreign suppliers in the future hopefully is mapabago na to the SRDP law.
01:21Isa sa mga sinusulong ng Philippine Air Force ang pag-manufacture ng sariling attack at surveillance drones na naging efektibong panalag sa kalaban sa nangyayaring digmaan sa pagitan ng Ukraine at Russia.
01:33Kasama sa SRDP program ang paglikha ng sariling spare parts ng mga gamit na kaya na ngayon gamit ang 3D metal printing technology.
01:42Bukod sa gamit pandigma, pinaglalaanan din ng panahon ang research sa food technology gaya ng mga ready-to-eat combat meals na swak sa panlasang Pinoy
01:51gaya ng tapa, adobo, binaguongan, Spanish sardines at kanin na kayang tubagal ng isang taon na hindi nasisira.
01:59Humuhugot ng gabay at kaalaman ng Defense Department mula sa ibang bansa gaya ng Turkey, India at South Korea
02:05na binuhusan ng investment ang local defense companies at ngayon ay nage-export na ng mga armas sa ibat-ibang bansa sa mundo.
02:14Para sa GMA Integrated News, ako si Chino Gaston, ang inyong saksi.
02:19Mga kapuso, maging una sa saksi.
02:22Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
02:29Mag-subscribe sa GMA Integrated News, ako si Chino Gaston, ang inyong saksi.