Skip to playerSkip to main content
Problemado sa bagong biling property ang pamilyang dumulog sa inyong Kapuso Action Man. Halos ka-presyo na kasi ng bahay at lupa ang lumabas na utang ng dating may-ari sa Meralco bunsod ng umano'y... tampered meter?! Ang puno't dulo ng sumbong, aming inimbestigahan!


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga Kapuso, problemado sa bagong biling property ang pamilyang dumulog sa inyong Kapuso Action Man.
00:08Halos kapresyo na kasi ng bahay at lupa ang lumabas na utang ng dating may-ari sa Manalco,
00:14bunsod ng umunoy tampered meter, ang puno-tulo ng sumbong aming inimbestigahan.
00:23Enero ngayong taon, nabayaran ng buo ni Junesa ang nabiling dalawang palapag na bahay na ito sa Kalaokan,
00:29sa halagang 1.4 million pesos bukod pa sa 100,000 piso ng final payment nitong Marso.
00:36Marso sila nakalipat pero nabulaga ng malaking problema.
00:39Yung dumating po na sulat ay galing sa Meralco po na nagkakahalagang 1.2 million po. May utang po sila sa Meralco.
00:47Nakasaad sa abiso mula sa Meralco na mayroong halos 1.2 million pesos na naiwang bayarin
00:54ang dating may-ari ng bahay na itago natin sa pangalang Jessa.
00:58Bunsod ito sa nakumpirmang tampered meter ng bahay o inigal na paggalaw sa metro para mapababa ang konsumo ng kuryente.
01:06Nagising na lang po kami na wala ng kuryente po.
01:09Tapos pagbaba po namin, andito po yung Meralco.
01:11Mayro pong walang kuryente, may anak pa po ako nag-aaral.
01:15Dahil diyan, halos dalawang buwan ang walang kuryente sila Junesa.
01:19Sinubukan daw nilang makipag-ugnayan sa dating may-ari.
01:21Hindi po namin mahabol kasi linak na po kami sa lahat.
01:25Gusto po namin mabalik yung kuryente namin.
01:27Kasi sayang naman po yung pinabili ko ng bahay.
01:31Ganon lang yung mangyayari.
01:32Tumulog ang inyong kapuso action man sa Meralco.
01:38Paano nyo nalaman na tampered yung metro ho doon sa bahay?
01:42Well, unang-una, pag suspected tampered meter,
01:46syempre kailangan namin munang i-check yan dito sa aming testing center
01:51para ma-validate kung yung initial na aming observation ay tampered nga yung metro.
02:00Ibig sabihin, hindi lang yun basta Meralco.
02:03May representative din ng ERC doon.
02:06Paano kung nagiging illegal connection yung mga tampered na metro?
02:09Ang tampered na metro is tantamount to pilfering electricity.
02:14Ibig sabihin, imbis na lumabas yung actual na konsumo,
02:19dahil tinamper yung metro,
02:21hindi natuloy lalabas yung actual na consumption.
02:25Ang pinakamagagawa na lang namin ay investigahan nito further
02:30and hopefully based on the investigation,
02:34ma-determine natin na yun nga ay nabili niya.
02:37We are assuring itong inyong complainant na tutulong ka pa.
02:43Payo ng abogado sa pamilya ni Julesa.
02:46Magpadala ng demand letter
02:48at kung hindi susunod yung nagbenta sa kanila ng property,
02:54pwede nilang i-demand na i-receive yung kontrata
02:56at ibalik sa kanila yung naibayad nila for that property with damages.
03:02Titilinan ko po, gagawin po ng paraan para mahabol po.
03:04Maayos yung Meralco namin.
03:06Tututukan namin ang sumbong na ito.
03:12Para sa inyong mga sumbong,
03:13pwedeng mag-message sa Kapuso Action Man Facebook page
03:16o magtungo sa GMA Action Center
03:17sa GMA Network Drive Corner, Summer Avenue,
03:20Diliman, Quezon City.
03:21Dalsan ang magreklamo, pang-aabuso o katumulian.
03:24Diak, may katapat na aksyon sa inyong Kapuso Action Man.
03:27Dalsan ang magreklamo, pang-aabuso o katumulian.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended