Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Para mas matulungan pa ang Filipino creative designers,
00:03magkatuwang ang Fashion Aid Philippines at Department of Trade and Industry
00:07sa programang Malikhaing Pinoy The Grant 2025.
00:11Tampok doon ang iba't ibang kasuotan, accessories, bags at furniture na proudly Pinoy made.
00:17May unang balita si Bon Aquino.
00:22Nagtagisan sa creativity at talent ang mga Filipino designers sa paggawa ng mga kasuotan,
00:28accessories, bags at furnitures sa Malikhaing Pinoy The Grant 2025 na ginanap sa Intramuros, Maynila.
00:35Kabilang sa entry, siyang Violeta accent chair ni Dea China na ito,
00:39nagawa sa hand-woven abaka rope katuwang ang basket makers ng Antiquera Bohol,
00:44ang damit na igurotak ni Ira Longshop na tinahi gamit ang tela mula sa benggit,
00:49ang gugma baby doll dress ni Hill Salazar na gawa mula sa retaso,
00:52at naya bag ni Kiko Quintanar na crafted mula sa kahoy at dinisenyuhan ng shell.
00:58Ang patin pala kay inorganize ng Passion Aid Philippines,
01:01isang non-profit organization na layong pumulong sa blooming creative designer sa bansa,
01:07katuwang ang Department of Trade and Industry sa pamagitan ng Malikhaing Pinoy Program.
01:11Itong The Grant, para bang in-expose niyo yung creativity ng mga Filipino.
01:17So it's a platform wherein if you're a young designer, and if you want to join, put your work out there,
01:24yun yung pinaka-purpose nito. It's really honoring the creativity of Filipinos.
01:28Kabilang sa criteria for judging ay ang creativity, global appeal, execution and technical skill, originality at marketability.
01:38Mula sa daandang applicants nationwide, dalawang po sa kanilang itinanghal na finalists.
01:43Part nun is mentorship program. Ginag-guide sila to mold them.
01:49Siyempre, pag nag-apply sila, they're raw talent.
01:53So binibigyan namin sila ng advice on what to do, yung design directives, on how to do it.
02:01Present sa awarding ceremony si First Lady Liza Araneta Marcos,
02:05na ayon sa Fashion Aid Philippines, ay nagpakita ng buong suporta
02:08at tumulong para maging accessible ang local fabrics sa mga designer.
02:13Present din ang renowned Filipino fashion designers na si Naino Soto na isa sa judges,
02:18Francis Libiran, Paul Cabral at Michael Leyva.
02:21Dumalo rin sa event ang mga miyembro ng Diplomatic Corps at si GMA Network Senior Vice President
02:26at GMA Pictures President, Atty. Annette Gozon-Valdez.
02:30Ang nagwaging grad winner ay si Dea China, na lumika ng Violeta Accent Chair.
02:35It's actually inspired by my lola.
02:37And I think na it's based sa story namin na I was raised by a single mom.
02:44So yung inspiration ko is them.
02:48I think that I want to challenge myself.
02:52It's hard to make a chair.
02:57Nakatanggap siya ng 1 million pesos at Australia Study Grant mula sa Embahada ng Australia.
03:03Nagbigay rin ang CORE at Study Grant sa mga Embahada ng Australia, Malaysia at Japan sa mga piling finalists.
03:10Itong unang balita, Von Aquino para sa GMA Integrated News.
03:14Gusto mo bang mauna sa mga balita?
03:17Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended