Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00I don't know.
00:30Emil, iba't ibang anyo nga ng pinsala ang ating nasaksihan dito sa Daang Bantayan na Cebu.
00:36Meron nga nasirang simbahan, mga gusali, tulay at nakita rin natin ang sinkhole.
00:42Pero Emil, sa gitna nga ng lahat ng ito, nasaksihan din natin kung paano makaranas ng gutom ang ating mga kababayan dito.
00:52Kalunos-lunos ang sinapit ng Archdiocese and Shrine of Santa Rosa de Lima o ang Daang Bantayan Church.
00:59Ang simbahang itinayo noon pang 1886, ngay larawan ng pinsala.
01:04Off-limits na ito kahit sa mga taong simbahan.
01:07Kaya sa kapilya, sa gilid na lang ng simbahan, nagmimisa.
01:10The day after the destruction of our church, Archbishop visited and he assured us that the Archdiocese would help.
01:24At the same time, one of our priests who was in charge in the heritage inform us regarding the agencies of the government.
01:35And they are concerned about the church and for the renovation.
01:39Malapit naman sa plaza ng Daan Bantayan, nakatila ang mga residenteng ito.
01:46Akala kasi nila, ang mga humihintong sasakyan, maghahatid na ng tulong.
01:51Ganito raw kasalat ang ayunang nakukuha nila.
01:54Tatlong araw na kami dito, sir.
01:56Isang boteng tubig lang yung binigay.
01:58Pero at sa mga tubig, ano pang kailangan nyo?
02:03Yung pagkain, bigas.
02:04Importante sa mga bata, sir, yung pagkain.
02:07Kasi yung mga donations na nakarating sa amin, it's not enough for all the affected families.
02:14Pero magpupull out na kami ng mga food packs doon sa DSWD, sa Cebu City, sa warehouse nila.
02:23It's enough for all the affected families.
02:26Sa munisipyo, maraming bitak na lupa sa paligid.
02:32May mga bahagi ng munisipyo na tuloy ang nawasak.
02:36Para mailabas ang mga gamit mula sa loob ng munisipyo,
02:40idinaan ang mga ito na mga bumbero sa bintana.
02:43Ang sangguniang bayan sa isang open space nagsesyon.
02:48Sa kabilang pampang, tanaw ang mga tahanan na nawasak din ang lindol.
02:53Napinsala rin ang mga tulay.
02:56Sa Sicho Mayho sa Barangay Paypay, tumambad sa mga residente ang sinkhole na ito matapos ang lindol.
03:04Nung sukatin daw ng motoridad itong sinkhole, lumalabas na nasa 4 meters yung lalim nito.
03:08At napansin pa natin na tila may maliit na butas doon sa dulo na may tubig.
03:13Ang nangangamba ngayon yung mga residente na nakatira malapit dito
03:16dahil ang sabi daw ng motoridad, lubhang delikado na ang pagtira malapit dito.
03:21Ang sima na si Jepon, nangihinayang sa ipinatayong bahay na ngayoy may bitak.
03:27Kinakabahan po ako.
03:28Siyempre, sa ganyang sitwasyon, gabi-gabi na lang.
03:31Sa labas kami natutulog.
03:33Sa umagay, di na kami nananatili sa bahay.
03:35Dahil mapanganib nga po yung sinkhole ngayon.
03:38Dahil nakadirect doon mismo sa bahay.
03:40Sa mismong gilid ng dagat, may nakita ang mga residente na isa pang sinkhole matapos ang lindol.
03:48Sa parehong barangay, naipit sa guho ng kanilang bahay ang pamilya ni Angelita.
03:54Kasama ang kanilang asong si Luke.
03:56Bago ang lindol, hindi na raw ito mapakali at nagtatahol.
04:00Nang lumindol, hindi napuruhan ng kanyang mister at walong taong gulang na anak.
04:05Dahil si Luke daw ang sumalo.
04:08Nagamot na ang pamilya postrero.
04:10Si Luke, pinagamot ng isang organisasyon.
04:13Napuruhan ng kanyang mga paa at masayalang bahagi ng katawan nito.
04:17At hindi pa matiyak kung makakalakad pa.
04:20Nagpapasalamat nga kami na nandoon siya.
04:23Saka siya ang nakaligtas sa anak ko.
04:27Saka sa mister ko.
04:29Bakit po?
04:29Dahil siya yung naipit.
04:31Siya yung nadaganan talaga.
04:33Sa barangay mahawak sa Medelhin,
04:36natagpuan namin sa fishing village ng pandan
04:38ang mga residente na nagsuot ng plastik sa pagtulog sa labas ng bahay.
04:44Naisip raw na mangingis ng si Mang Jesan
04:46na ang plastik na sisimulan ng mga isda bilang panangga sa ulan.
04:51Kasi naawa ako sa mga kasama sin.
04:56Nandoon lang sa Yota.
04:59Nagaganoon lang.
05:00Hindi po kami nahirapan gumamit ng plastik kasi po nakaupo kami, nakahinga po kami.
05:06Tapos?
05:06Tapos may bakanti naman po.
05:10Lumabas po yung paa namin.
05:12Emil, kaninang madaling araw ay talagang ramdam natin ng malakas na aftershock dito sa daang bantayan.
05:22At sabi nga ng Kura Paroko dito,
05:24yung pinakaibabaw ng main entrance nitong simbahan ay muli na namang nagkapinsala.
05:30Pero sa ngayon talaga,
05:31ang talagang inaalala ng lokal na pamalaan ay kung paano nga ba mahatiran ng karagdagang ayuda
05:36yung kanilang mga residente dito.
05:38Kaya naman sisikapin daw nila ang lahat ng paraan para mabigyan ng tulong ang bawat isa.
05:44Yan muna ang latest mula rito sa Daang Bantayan.
05:46Balik sa Emil.
05:51Maraming salamat, Ian Cruz.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended