00:00Samantala, mahigit 800 pamilya na nawalan ng bahay dahil sa Bagyong Emong,
00:05ang nakatanggap naman ng mahigit 10,000 pesos na emergency cash assistance at family food packs mula sa DSWD.
00:13Sa panguna pa rin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bumisita rin sa probinsya ng La Union.
00:20Yan ang sentro ng balita ni Jezril Rapizar ng PTV Cordillera.
00:24Marami sa mga residente ng San Fernando, La Union, ang hindi patuluyang nakakabangon matapos ang pananalasan ng Bagyong Emong noong Hulyo.
00:35Dahil dito, sa pangungunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasama ang Department of Social Welfare and Development at Department of Agriculture,
00:43sila ay namahagi ng tulong sa mga nasalanta sa La Union.
00:47Mahigit 800 pamilya na nawalan ng bahay dahil sa Bagyong Emong,
00:50ang nakatanggap ng mahigit 10,000 pesos na emergency cash assistance at family food packs mula sa DSWD.
00:57May erap pa rin ma'am. Lumipad kasi yung bahay namin, yung hubong halos lahat, nawala lahat.
01:06Kaya nagpapasalamat po kami kay Pangulong Marcos sa tulong niya.
01:12Na pamahagian din ang 275 magsasaka ng fuel assistance cards na naglalaman ng 3,000 piso mula sa Department of Agriculture ng Ilocos Region.
01:23Makakatulong ito sa amin bilang isang parmar na dahil matataas yung mga presyo ng mga bilihin,
01:30kagaya ng lalo na yung mga krudo o gasolina,
01:33ang malaking tulong para sa aming mga parmar kasi ito ay nababawas po iso ito sa aming gastusin.
01:41Nagpapasalamat naman ang gobernador ng La Union dahil sa pagbisita ng Pangulo.
01:46Aniya, hindi maikakailang sa mga magkakasunod na bagyong nanalasa,
01:50isa ang La Union ang malaki ang pinsala.
01:52Sa mensaheng ibinahagi ng Pangulo, sinisiguro niyang lahat ng tulong ay maipapamahagi sa mga nangangailangan,
02:17lalo na sa mga nasalanta ng mga bagyo.
02:20Sinabi rin ng Pangulo, alam niyang hindi pa sapat ang mga naipamahagi,
02:24ngunit ipinangako niyang gagawin ng pamahalaan ang lahat upang maabot lahat ng nangangailangan.
02:30Ang mga Pilipino ay nakikita nila napakasipag, napakabait, napakausay,
02:37kagaya po ninyong lahat na nagsasaga, nagsasakripisyo,
02:41andito lang po ang inyong pamahalaan upang tulungan kayo hanggat maari, hanggat kaya ng pamahalaan,
02:49nandito po kami upang tumulong.
02:51Maliban rito, binisita rin ng Pangulo ang mga pasyente sa ward at orthopedic department ng Ilocos Training and Regional Medical Center.
02:59Ipinabatid niya ang pagpapatupad ng Zero Balance Billing Policy ng Department of Health.
03:05Pinangunahan rin nito ang yaman ng kalusugan karavan ng PhilHealth sa San Agustin Elementary School, San Fernando, La Union.
03:12Jezreel Kate Lapizar para sa Pambansang TV ng Bagong Pilipinas.