Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa kabila ng kontrobersya sa mga flood control project, ito ang binigyang diini Pangulong Bongbong Marcos.
00:30Pero Anya, titiyakin daw na maayos ang proposal, implementasyon at naaayon ang proyekto sa pangangailangan ng isang lugar.
00:38Babantayan din na walang magiging bahid ng korupsyon sa mga proyekto.
00:42Ibabalik din ng Pangulo ang proseso ng acceptance ng LGU sa lahat ng completed national projects.
00:48Napaka-importante yan na meron kang clearance sa barangay chairman, may clearance ka sa mayor, may clearance ka sa probinsya.
00:57Dahil yun ang paraan namin sa local government para tiyakin na yung mga proyekto ay magandang pagkagawa at tama at hindi naman nagmahal ng masyado.
01:09Ayon sa Pangulo, sa kabuang P255.5 billion na nasave ng gobyerno sa mga kansilado ng 2026 flood control project,
01:18P36 billion sa ilalaan sa DSWD para sa AX at SLP, maygit P26 billion sa DepEd,
01:26P29 billion sa DOH para sa pagtatayo ng mga ospital,
01:30P46 billion sa Department of Agriculture, P5 billion sa National Irrigation Administration,
01:35maglalaan din ng pondo sa DOLE para sa tupad na nasa ilalim ng social programs ng gobyerno.
01:41Gayon din sa DICT, DOE para sa Electrification Program, Anti-Agricultural Smuggling, Waste to Energy Program,
01:49at maging sa DOTR para sa pagpaganda ng transport system sa bansa.
01:53Titiyakin po natin na hindi na po maulit yung ating nakita.
01:58Titiyakin po natin na bawat sentimo na pera ninyo.
02:03Kami po ay kung tawagin e-kustodyan lang, tigabantay lang kami sa pera ninyo.
02:08Sa amin ang responsibilidad, ang katungkulan na tiyakin na ang bawat sentimo ay mapupunta sa maganda
02:16para pagandahin po ang buhay ng ating mga kababayan.
02:20Ang anunsyo ng Pangulo ay sa gitna ng pamamahagi niya ng tulong sa mahigit dalawang libong pamilya sa Cagayan
02:26na sinalanta ng Super Typhoon Nando.
02:29Kabuo ang 2,533 na pamilya mula sa Santa Ana at Gonzaga
02:33ang nabigyan ng tig-sampung libong pisong cash assistance at family food packs.
02:38Ang mga nasalantang magsisaka, binigyan ng cash assistance at pataba.
02:42Para sa GMA Regional TV at GMA Integrated News,
02:45Jasmine Gabriel Galban nakatutok 24 oras.
02:50Sampai jumpa.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended