00:00Pagkat nakasalalay sa tagumpay ng ating paglalakbay ang kaligtasan ng lahat.
00:30Sa episode ng Kapuso Telefantasia na Encantadia Chronicles Sangre ngayong gabi, ipakikita ang paglalakbay patungong devas na mga bagong sangre kasama ang kanilang Ashti Perena.
00:46Doon nila makikilala si Eshnad, ang karakter ni SB19 member Justin Dedeos.
00:55Makikilala na siya ng mga manonood sa lunes.
01:00Bago ang inaabangang pagtatagpo na yan, na-preview na kanina ni Justin ang episode.
01:06Kinailangan daw ni Justin na mag-acting lessons at mayroon ding fight training.
01:10Noong nag-training kami, parang kinonsider ko po siya na choreography.
01:15It's one din na very favorite ko na scene, yung fighting scenes.
01:19Kasi yun nga, para siyang choreography, para ding sumasayaw.
01:22Nang lumabas ang bagong teaser ng Telefantasia kung saan ipinakita ang karakter ni Justin na si Eshnad, umabot agad sa 1 million views in just 30 minutes.
01:35For Justin, dream come true ito lalo at pinangarap din niyang maging aktor.
01:40I know na excited din po talaga yung 18 kasi it's something different from SB19 from performing.
01:45Pero hindi ko po in-expect na marami rin incantadics yung parang na-excite sa pagpaso ko po.
01:51Kararating lang ni Justin from Japan mula sa kanilang successful simula at wakas tour.
01:56Isa sa mga kinanta nila doon, ang kapangyarihan na collab song ng SB19 with Ben & Ben na tila naging tema na nagdaang anti-corruption protest nitong linggo.
02:08Aubrey Carampel, updated sa Showbiz Happenings.
Comments