Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Bukod sa maagang paglilikas, may mga nakantabay na rin rescue boats sa ilang residential area sa Quezon City
00:06sakaling kailanganin mamaya pagdating ng bagyong opong.
00:09May unang balita live si James Agustin.
00:12James!
00:17Ivan, good morning. Narito ako ngayon sa Gumamela Street,
00:20isa dun sa mga flood prone areas dito sa Barangay Rojas District sa Quezon City.
00:24Karaniwan daw talaga kapag bumabaha dito sa lugar ay lampas tao dahil katabi lamang nito yung ilog.
00:29Maraming mga residente, Ivan, yung lumikas na simula pa kagabi at nananatiling ngayon sa evacuation center
00:34pero may mga residente na inabutan pa kami rito ngayong umaga, inaayos yung kanilang mga gamit.
00:39Handa naman daw silang lumikas anumang oras.
00:42Dito rin pinwesto ng mga taga-barangay yung dalawang bangka, isang rubber boat at binakita din tayong improvised na bangka
00:47na maaaring magamit sa mga rescue operations.
00:49Kapansin-pansin din na maraming mga lubid na itinali sa mga poste na magsisilbing gabay ng mga rescuer.
00:55Narito pong bahagi ng ating panayam sa ilang residente dito sa lugar.
00:59Ano po, sanayin po kami. Yung mga bali pinapalikas namin, yung mga bata lang, saka yung mga matatanda, mga nanay.
01:08Pero kami yung mga lalaki, minamantayan namin yung bahay namin kasi baka maano yung mga gamit namin.
01:14Kasi mabilis po kasi lubabas yung tubig dito.
01:15Kinakabahan din po, marami akong apo. Kaya naka-impacking na kami. Galing na kami doon sa ano, e puno na yung court. Sa simbahan na lang daw kami dumiretso.
01:28E sarado pa yung simbahan. Kaya naghihintay kami ng abiso ng barangay.
01:33Kanina, Ivan, ay mahinang pagulan yung nararanasan natin dito sa Barangay Rojas District sa Quezon City.
01:44Pero ngayon ay pag-ambun na lamang. Tapos hindi natin may mga residente na dinadala na doon sa mas mataas na lugar.
01:50Yung kanilang mga sasakyan mula dito sa bahaging ito ng Gumamela Street.
01:53At isa lamang po ito doon sa apat na flood-prone areas dito na binabantayan ng mga taga-barangay.
01:59Yan ang unang balita. Mula rito sa Quezon City. Ako po si James Agustin para sa GMA Integrated News.
02:04Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
02:08Mag-iuna ka sa balita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended