00:00Naka-red alert na ang ilang lugar sa bansa bilang paghahanda sa Bagyong Opong na posibleng pang lumakas bago tumama sa lupa.
00:08May report si Bea Pinlak.
00:12Naka-heightened alert na ang LGU ng Katbalogan City bilang paghahanda sa Bagyong Opong.
00:17Under monitoring na yung Katbalogan CDRR. Of course, ready na yung mga kagamitan nila for rescue.
00:24Mahigpit na binabantayan ang flood at landslide prone areas.
00:28Inihahandaan na rin ang evacuation centers habang ipinagbabawal na ang biyahe ng mga sasakyang pandagat.
00:35Ang mga taga-iloilo, hindi pa man nakakabangon sa bahang dulot ng habagat, pinaghahandaan na rin ang Bagyong Opong.
00:44Nagsimula ng makaranas ng malakas na ulan sa Kamarines Norte.
00:48Ang mga kawaninang Special Rescue Force ng Bureau of Fire Protection, naglatag na ng mga gamit.
00:53Mag-iikot daw sila para hikayatin ang mga nasa tabing ilog at dagat na lumikas na.
00:58Naka-red alert na rin sa Kamarines Sur.
01:02Sa Katanduanes, itinaas na ng mga mangingisda ang kanilang bangka.
01:06Sinuspindi na rin ang biyahe ng mga sasakyang pandagat.
01:09Nag-abiso ang LTO Bicol na iwasan ang mga non-essential na biyahe mula at papunta sa mga isla ng Masbate.
01:17Mga biyaheng nag-uugnay sa Visayas at Mindanao via Matnog, Pilar at Piyoduran Port at mula at patungong Katanduanes via Tabaco Port.
01:26Naghahanda na rin sa Nauhan Oriental, Mindoro.
01:29Ang PDRRMO, naglatag na ng bangka, ambulansya at iba pang rescue equipment.
01:35Bea Pinlak, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
01:39Naghahanda na rin sa Nauhan Oriental, Mindoro.
Comments