00:00Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang batas na layong pabilisin at gawing batas ang proseso ng pagkuhan ng lupa para sa infrastructure projects ng pamahalaan.
00:11Ito ay ang Republic Act No. 12289 o ang Accelerated and Reformed Right of Way o Arrow Act.
00:19Sa ilalim ng batas, ang kompensasyon sa mga may-ari ng lupa ay ibabatay sa market valuation na itinakda sa ilalim ng Real Property Valuation and Assessment Reform Act.
00:32Kung wala pang aprobadong valuation, gagamitin ang zonal value ng BIR at assessed value ng mga impresektura, pananim at makinang bahagi ng lupa.
00:44Para sa mga lupang walang titulo, kailangan ang tax declaration, affidavit mula sa mga residente at sertifikasyon mula sa DNR.
00:53Pinalakas din ang Arrow Act, ang proteksyon sa informal settler, families at inaatasan ang DSUD at mga LGU na tiyakin ang maayos sa relocasyon bago simula ng proyekto.
01:06Sa mga kaso ng expropriation, obligado ang implementing agency na magdeposito ng 15% ng market value ng lupa, pati ang 100% replacement cost ng mga estruktura at 15% value ng mga pananim.
01:23Sakop din ang batas ang PPP projects, relocation ng utilities at paggamit ng ancestral lands.
01:30At mahigpit itong pinapanagot ang mga pribadong kumpanyang lalabag.