00:00Update po tayo kaugnay sa search and rescue operation sa mga sakay ng tumaob na fishing vessel sa Santa Ana, Cagayan.
00:08May ulat on the spot si Nico Wahe.
00:10Nico?
00:15Connie, 7 confirmadong pa tayo matapos tumaob ng isang fishing vessel sa kasagsaganang hagupit ng Super Typhoon Nando dito sa Santa Ana, Cagayan.
00:23Wala nang buhay nang makita ang nawawalang anim na crew ng fishing vessel.
00:30Apat ang nakita sa search and rescue kahapon.
00:32Pero dahil medyo hindi magandang panahon kagabi, hinintumo ng search and rescue operations bandang alas otso.
00:39Itinuloy ang operations na alas is ng umaga kanina kung saan nakita ng tuluyan ang tatlo pang nawawala.
00:45Karamihan sa mga katawan ay napadpad sa mga bakawan.
00:48Ang ilan naman ay nakalutang na sa dagat.
00:51Naging pahirapan daw ang rescue operations.
00:53Kinailangan pang gumamit ng chainsaw para lang butasin ang bangka at makuha ang mga katawan na nasa loob ng tumaob na vessel.
01:00Inihahanda na ang mga katawan para maiuwi sa kanikang nila mga probinsya.
01:04Ilan sa mga crew ay nakatira rito sa Cagayan, Aurora, Quezon at Bicol.
01:09Connie, yan nga nakikita nyo.
01:11Yan yung mismo fishing vessel na tumaob nung kasagsagan ng bagyo.
01:15Talagang wasak na itong fishing vessel na ito.
01:17Sa ilalim niyan, yung engine room.
01:20Doon nagtago.
01:21Doon napadpad yung ibang mga crew.
01:23Nitong fishing vessel.
01:25At ito nga sinasabi nung Coast Guard,
01:27hindi umalis doon sa fishing vessel yung mga crew kahit kasagsagan na ng bagyo para bantayan ito.
01:33Ang i-recommended daw ng Coast Guard at maging ng MDRRMO sa LGU,
01:37ay kapag ganito masama ang panahon,
01:39wala na dapat matitira.
01:40Maging dito sa loob ng kanilang mga bangka.
01:43Balik sa'yo, Connie.
01:44Maraming salamat, Nico Wahe.
Comments