Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pinalalakas ang Pilipinas at France ang kooperasyon para mapatibay ang seguridad sa ating mga karagatan.
00:07Gagamitin na sa bansa ang isang informational exchange program na isang high-tech na paraan
00:11para mamonitor ang pagpasok ng mga barko sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
00:17May unang balita si JP Sorian.
00:19Sa gitna ng patuloy ng maritime patrols ng China sa loob ng Exclusive Economic Zone o EEZ ng Pilipinas sa West Philippine Sea,
00:31sinabi ngayon ng Expertise France, isang public technical cooperation agency,
00:36na patuloy na pinalalakas ng France at Pilipinas ang kanilang kooperasyon para mapatibay ang maritime domain awareness ng ating bansa.
00:44Partikula sa paggamit ng isang software na kung tawagin ay ERS,
00:49isa itong information exchange program na nagbibigay ng real-time at high-tech na pagbabahagi ng mga impormasyon
00:56para mamonitor ang pagpasok ng mga barko sa EEZ ng Pilipinas.
01:01Ang programa ay pinupondohan ng European Union kasama ang France para isulong ang pagpapalakas ng maritime security
01:09ng mga kaalyadong bansa gaya ng Pilipinas
01:12at matugunan ang problema sa illegal, unreported, and unregulated o IUU phishing at pagsira sa yamang dagat.
01:21We are making several significant progress in terms of coordination, in terms of implementation of common tools
01:32to monitor the different movements of boats, fighting against illicit traffic, et cetera,
01:48and also providing common exercises with the Philippines authorities in the region
01:55to make sure that all the countries are fully prepared when there are any necessity to intervene in that regard.
02:10Ang EORIS platform ay nagbibigay ng integrated communication functions gaya ng multilingual messaging, chat, alerts,
02:18satellite-based data feeds, advanced mapping, vessel intercept, at file exchanges.
02:24Kinokonekta rin nito ang iba't ibang ahensya ng gobyerno ng Pilipinas gaya ng Philippine Coast Guard, Philippine Navy,
02:31at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, mga tagapagbantay ng karagatan ng Pilipinas.
02:36Mas mabilis ding makakatimbre ang mga kaalyadong bansa sa mga barko ng Pilipinas
02:42kung halimbawa ay may papasok at iligal na nagpapatrolya sa EEZ ng Pilipinas.
02:49Kod sa maritime security, muli ring iginiit ng France ang patuloy at mas lumalakas na ugnayan nila sa Pilipinas.
02:57Dito sa makasaysayang Kedorce, ang tahanan ng Ministry for Europe and Foreign Affairs,
03:03na imbitahan ang GMA Integrated News para sa isang pulong kaugnay sa kooperasyon ng France sa Indo-Pacific region,
03:11kabilang na ang Pilipinas.
03:13The relation between France and the Philippines is strong and long.
03:19It has been 75 years now that the diplomatic relations are open.
03:26And they are strong in fields that are important for both of our countries.
03:32I think of blue economy, I think of disaster resilience, I think of transport.
03:40These are themes and subjects that will help us to deepen these relations in the future.
03:51Ang blue economy na ito ay may kaugnayan sa mga tulong ng France sa Pilipinas
03:55para lumipat sa paggamit ng renewable energies gaya ng solar at wind power.
04:02Dati nang sinabi ng gobyerno ng Pilipinas na patuloy na makikipag-ugnayan at palalakasin ng relasyon
04:07sa mga like-minded countries gaya ng France.
04:10At ngayon nagbigay ng commitment ng France na itutuloy ang pagbuo na isang Visiting Forces Agreement sa Pilipinas.
04:16Bukod pa ito sa mga tulong na ibibigay nila na may kaugnayan sa pagresolba sa issue sa climate change.
04:22Mula rito sa Paris, France, ito ang unang balita, JP Soriano, para sa GMA Integrated News.
04:29Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
04:34para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended