Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00At hanggang sa mga oras nga na ito ay puno ng mga relista ang EDSA People Power Monument,
00:07isa po sa mga pinagdarausan ng protesta ng bayan kontra katiwalian.
00:11Ibat-ibang sektor at personalidad ang nagtungo sa EDSA at nakatutok doon live si Marie Zumali.
00:18Marie, sa anong sitwasyon dyan ngayon?
00:19Pia, Ivan, ikulong na mga korakot, tama na sobrang na ikulong na yan ang nagkakaisa at malakas na panawagan ng mga relista
00:35ang nagtungo dito sa People Power Monument dito sa EDSA para papanagutin ang mga sangkot sa Flood Control Projects Camp
00:45at itong nga mga nagpunta rito ay hindi nagpatinag sa lakas man ng ulan o kahit sa tindi ng sikat ng araw.
00:57Maaga nagmarcha at iba pang sektor ng lipunan sa pangungunan ng tindig Pilipinas, Siklab at Akbayan Youth dito sa People Power Monument
01:07para sa Trillion Peso March.
01:10Sigaw nila panalagutan na mga korakot at sangkot sa mga anomalya sa Flood Control Project.
01:16May mga dumayo pa mula sa probinsya para dumalo sa kilos protesta.
01:20Kabilang din sa mga dudmulo si dating Associate Justice Antonio Carpio.
01:26Marami rin mga pare, madre at mga reliyoso ang nakibahagi sa pagtitipon.
01:31Nagtaos ng misa na pinangunahan ni Diocese of Cubao Bishop,
01:35Elias Ayuban at Concelebrated na maraming mga pare mula sa iba't ibang Dioceses.
01:42Bago mag-alas dos ng hapon, nagmarcha na rin pa People Power Monument yung mga galing at sa Shrine.
01:48Kabilang si na Sen. Kiko Pangilina, Sen. Bam Aquino, Rep. Laila de Lima, mga retired generals,
01:55mga artista at iba pang sektor ng lipunan para sa main program.
01:59Sinimulan nito ng ecumenical service at interfaith prayer.
02:03Isa-isa rin nagbigay ng mga mensahe ang ilang obispo kabilang na si Cardinal Ambodavid at iba pang mga personalidad.
02:12At bahagi nga ng mga binanggit nila na hindi ito politika, kundi usapin din ng moral at paninindigan.
02:21At ang gusto nila maipakita ngayon ay walang tatanggapin ang mga mamayan kung walang mapapanagot at makakasuhan
02:31at kung walang makukulong.
02:33At sinabi rin ni Rep. Shell Jokno na dapat buksan yung mga sal and na mga opisyal.
02:39Dapat may sa batas yung House Bill 4453 para bigyan ng ipin ang ICI at dapat maikulong yung mga sangkot.
02:48At panawagan nila sa mga sangkot sa anomaliyang ito sa korupsyon e umamin na sila at ilabas ang ninakaw na pera ibalik sa taong bayan.
02:59So hanggang sa mga sandaling ito, Pia Ivan ay nagpapatuloy pa rin yung kanilang programa, yung kilos protesta.
03:07Hindi rin naman nagsisialisan yung mga ralista rito.
03:11Kanina maraming mga nagtanghal, kabilang na dyan si Bayang Barrios, si Noel Cabangon, pati na rin yung Ben and Ben.
03:20At itong programang ito ay magtatapos sa isang call to action ng komunidad.
03:27Ibig sabihin, hindi matatapos dito sa kilos protesta na ito ang kanilang pagtitipon, ang kanilang panawagan.
03:35Kundi kailangan daw may mapanagot, makulong at talagang maibalik yung pera na ninakaw sa taong bayan.
03:43At magtatapos din yung kanilang programa sa isang finale song na bayan ko.
03:50So Pia Ivan, yan muna ang latest na sitwasyon.
03:53Mula pa rin dito sa People Power Monument sa EDSA, balik sa inyo dyan.
03:56Maraming selamat, marie zumali.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended