Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nangako ang mga nag-oorganisan ang gaganaping Trillion Peso March kontra katiwalian sa linggo na magiging mapayapa ang kanilang pagkilos.
00:09Bago po yan, ilang grupo ng mga kabataan, guro at manggagawa ang nagkilos protesta sa Maynila kanina.
00:15Saksi, si Jamie Santos.
00:17Nagkasanang magkakahiwalay na kilos protesta laban sa korupsyon ang iba't ibang grupo ng kabataan, guro mula sa iba't ibang universidad at samahan ng mga manggagawa, may mga nagtirik ng kanila.
00:36Ayon sa mga nagprotesta sa Taft Avenue, lalahok din sila sa pagtitipon sa linggo para ipanawagang panagutin ang mga kurakot at umaabuso sa kaban ng bayan.
00:47Simula kaninang alas 5 ng hapon, inilagay na sa full alert ang mga pulis sa Metro Manila. Mahigit 50,000 pulis ang magbabantay sa buong bansa.
00:59Nagkasarin kanina ng walkthrough ang Quezon City Police kasama mga organizer ng Trillion Peso March sa EDSA People Power Monument.
01:07Peaceful protest ang gagawin po natin. Wala po tayong itotolerate na anumang karahasan.
01:12Tsaka yung wala po tayong panawagan na regime change sa labas ng saligang batas.
01:18Ang mahalaga po ay maihayag po natin yung galit natin tungkol sa lahat ng mga anumalyat sa ating infrastructure projects.
01:27Inaasahang sisimulan ng protesta alas 9 ng umaga sa People Power Monument.
01:32At pupuesto ang mga dadalo sa White Plains Avenue patungo sa kanto nito at ng EDSA.
01:37Walang balak na sakupin ang mismong EDSA.
01:40As early as 3 o'clock, itong lane ng White Plains Avenue na patungong EDSA, isasara na.
01:50Gagawing zipper lane. Magiging zipper lane na yung kabilang lane yung nasa side ng Corinthian.
01:57Alas 12 ng tanghali, magtitipon sa EDSA Shrine at DLSU Green Hills ang iba pang lalahok sa kilos protesta.
02:04At alauna naman silang magmamarcha patungo sa People Power Monument.
02:08May kasabay na billion peso march naman sa Luneta ang iba't ibang militanting grupo,
02:13kabilang ilang balak magtungo sa Mendyola sa hapon.
02:20May mga kasabay rin pagtitipon sa Plaza Independencia sa Cebu City.
02:25Marcha mula Haro Plaza hanggang Kapitolyo sa Iloilo City.
02:29At rally sa Public Plaza ng Bacolod City.
02:31May hiwalay rin pagtitipon sa San Pedro Square sa Davao City na prayer rally
02:36para ipagdasal ang bansa at si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
02:41Para sa GMA Integrated News, ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.

Recommended