Skip to playerSkip to main content
  • 2 months ago
Liverpool FC, nakuha ang kanilang panalo sa UEFA Champions League group phase kontra sa Atletico Madrid

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00At alamin naman natin ang mga kaganapan sa mundo ng international sports since sa report ni teammate Carl Velasco.
00:13Sa pagpapatuloy ng group face ng UEFA Champions League,
00:17isang 3-2 win na panalo ang nakuha ng British club na Liverpool FC
00:22kontra sa laliga team na Atletico Madrid nitong nakaraang Webes.
00:25Sa unang minuto pa lang ng laban, dalawang goals na agad ang naipasok ng Reds
00:30sa tulong ni Andrew Robertson sa 4th minute mark at Mohamed Salah sa 6th minute mark.
00:36Samantala, naibigay naman ni Marcos Llorente ang unang score ng Atletico
00:41sa pamamagitan ng isang penalty box goal bago matapos ang first half sa 45th minute mark.
00:47Pagdating ng 88th minute mark, tuloyan ang naitabla ni Llorente ang laban
00:51sa 2-all matapos ang isang penalty arc shot
00:54na agad namang sinundan ng isang header ni Virgil van Dijk
00:57dahilan para makuha ng Liverpool ang panalo sa nasabing torneo.
01:01Sunod na makakalaban ng Liverpool ang Turkish club na Galatasaray
01:05sa darating ng October 2 sa susunod na buwan.
01:10Sa balitang American Football
01:12Matapos ang pagretiro sa professional scene,
01:16isa na ngayong TV analyst ang 7-time Super Bowl champion
01:19at tinaguri ang greatest of all time sa larong American football na si Tom Brady.
01:24Ngunit marami ang umalma nang mamataan ang 48-year-old sa communications booth
01:29ng Las Vegas Raiders sa laro nito kontra sa Los Angeles Chargers
01:33kung saan kausap nito ang ilang coaches at coordinators
01:36ng nasabing kupunan.
01:38Matatanda ang naging isang minority share owner din ang dating New England Patriot
01:42para sa Raiders kung saan napabalitang hawak nito ang 5%
01:46ng nasabing team.
01:48Dahil sa pagkasangkot nito sa nasabing laro,
01:50pansamantalang hindi pa ihintulutan si Brady
01:53sa paglahok sa mga pregame production meetings
01:56ng television network,
01:58ito'y upang siguraduhin na hindi makakakuha
02:00ng impormasyon ukol sa ibang mga kupunan.
02:03Ang dating quarterback,
02:04ayon naman sa NFL spokesperson,
02:07wala namang nilabag si Brady
02:08sa pag-upo niya sa communications booth ng Raiders.
02:12Ayon sa ilang polisya ng Liga,
02:13sa ngayon, wala pang pahayagan 3-time NFL MVP
02:17ukol sa nasabing isyo.
02:21At sa iba pang balita,
02:23lalahok ang Olympic medalist sa 100 meter dash na si Fred Curley
02:26sa controversial na enhanced game sa Mayo ng susunod na taon.
02:31Yan ang kinumpirma ng multi-sport event sa isang social media post
02:34at inanunsyo ang sasalihan nitong 100 meter event
02:38sa unang edisyon ng patimpala kung saan,
02:40papayagang gumamit ng ilang performance-enhancing substances
02:44ang mga atleta.
02:45Samantala,
02:46umaasa naman si Curley na mauungusan nito
02:49ang record ng tinaguriang fastest man in the world
02:52na si Usain Bolt
02:53sa 100 meter na 9.58 seconds.
02:56Sa ngayon,
02:57kasalukuyang binubuno ng dating silver medalist
03:00ang isang provisional suspension
03:02matapos ang pagliban sa tatlong sunod na doping test
03:05sa loob ng 12-month period.
03:07Carl Velasco para sa Pambansang TV
03:10sa Bagong Pilipinas.

Recommended