00:00Nanakawa ng cellphone ng isang estudyante habang naglalakad sa isang kalsada sa Sampaloc, Maynila.
00:06Nahagip sa CCTV ang lalaking dumikit sa kanya at mabilis na tumangay sa cellphone.
00:11May unang balita si Jomar Apresto.
00:17Pagmasdan ang lalaking nakahudi na nakabuntot sa isang lalaking estudyante sa bahagi ng dapitan sa Sampaloc, Maynila.
00:23Sa malapitang angulo, makikita na dinikita niya ang estudyante na napalingon pa sa kanya bago tuluyang pumasok sa gate ng paaralan.
00:32Ang 15-anyos na estudyante, natangayan na pala ng cellphone ng lalaking nakahudi.
00:38Bago ang insidente, makikita ang salarin na patawid sa bahaging yan ng dapitan.
00:42Ilang saglit lang, muli siyang tumawid kung saan makikita rin ang biktima habang naglalakad mag-isa.
00:49Sa kuhang yan, makikita pa ang salarin habang nililingon ang biktima.
00:53Maya-maya, sinundan na niya ang estudyante.
00:56Naabutan niya ang estudyante ilang metro lang sa gate ng paaralan kung saan mabilis niyang nakuha ang cellphone.
01:02Tumakas ang salarin.
01:04Nai-report na ang insidente sa barangay na itinurn over na Manila sa Manila Police District para sa imbestigasyon.
01:11Bagong bili daw ng magulang niya. Ayun, kaya takot na takot pa siya.
01:15Nakapangpasok din, nakabackpak.
01:18Ang tinaibahan lang, nakamas siya.
01:20Tapos nakajaket. Parang papasok din kasi sumabay papasok eh.
01:24Ayon sa barangay, ito na ang ikalawang beses na nagkaroon ng nakawan malapit sa paaralan ngayong buwan.
01:30Dahil kulang nga daw sa pulis, kumingi nga ng tulong din sa amin sa barangay, naghahati po.
01:36Dito sa bahaging ito ng dapitan, nasa lisahan ng biktima.
01:39Kung mapapansin ninyo, eh may kadiliman itong lugar.
01:42Ayon sa barangay, nakipag-ugnay na sila sa lokal na pamahalaan
01:45para magdagdag ng mga ilaw at ng mga otoridad na magbabantay dito sa lugar.
01:50Yan ay para maiwasan na ang insidente ng nakawan.
01:53At yan ang unang balita.
01:54Ako po si Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.