Skip to playerSkip to main content
EXCLUSIVE: Nakipaghabulan pa pero wala ring kawala ang isang puganteng Australyano na wanted sa kasong drug trafficking. Gumagamit pa siya ng iba’t-ibang pagkakakilanlan para makaiwas sa huli.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nakipaghabulan pa pero wala rin kawala ang isang puganting Australiano na wanted sa kasong drug trafficking.
00:08Gumagamit pa siya ng iba't ibang pagkakakilanlan para makaiwa sa huli.
00:13Nakatutok si John Consulang Exclusive.
00:19Kahit pa na dulas at napaupo sa isang punto,
00:23mabilis na bumangon at muling tumakbo ang lalaking ito sa barangay poblasyon sa Makati City.
00:28Hindi inalintana ang mga sasakyan hanggang umabot sa isang nakaparada na may car cover.
00:35Sa ilalim nito siya nagtago pero natuntun pa rin ng mga umahabol na tauhan ng Bureau of Immigration Fugitive Search Unit.
00:53Agad nilang inaresto ang 33-anyos na Australiyanong wanted sa kanilang bansa.
00:58Daha sa kasong drug trafficking.
01:00You is allegedly an Australian fugitive using multiple fake identities in the Philippines.
01:06Since we're the fugitive search unit, we're in charge in arresting you.
01:10Ayon sa BI, ilang taon na nilang tinatrack ang dayawang pugante na palipat-lipat sa Metro Manila at Calabar Zone gamit ang iba't ibang pangalan.
01:19Meron siyang US identity, Australian identities po. Meron siyang diverse licenses na American, meron siyang Australian passport, meron siyang Seychelles na identity.
01:34Ay mga fraudulent.
01:36Sa kanyang braso, makikita ang tatu na Kumansero.
01:39Isang motorcycle gang sa Australia na sakot raw sa iba't ibang kaso, kabilang ang drug trafficking at pagpatay sa kanilang mga kalabang drug group.
01:47Very violent yung mga naririnig natin ng mga crimes at trafficking ng mga narcotics ang ginagawa niya.
01:55Sinisikip pa rin namin makuha ang panig ng inarestong Australiyano.
02:00Inaalam na ng Bureau of Immigration kung meron ng mga kagrupong Pilipino na nag-ooperate dito sa Pilipinas ang inarestong Australiyano.
02:06Para sa GMA Integrated News, John Konsulta, Nakatutok 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended