Skip to playerSkip to main content
  • 2 months ago
Pamilya Singson kinuwestiyon sa koneksyon sa P2.7B kontrata ng DPWH _ Agenda

Category

πŸ—ž
News
Transcript
00:00Balwarte ng mga sinso na ang Ilocos Sur.
00:04Pero bukod sa malaki nilang pangalan sa politika,
00:07malaki rin umano ang na-corner na government projects ng kanilang pamilya.
00:13Yan ang exclusive agenda report ni Joash Malimban.
00:19Isa ang Ilocos region sa maituturing na land of mega dynasties,
00:23ayon sa isang report ng Philippine Center for Investigative Journalism o PCIJ.
00:27Sa Ilocos Sur, dominated ng pamilyang Singson ang malaking parte ng probinsya
00:32sa pumumuno ng kanilang patriarch na si former governor Luis Chavit Singson.
00:37Sa kasalukuyan, nakaupong gobernador ang kapatid ni Manong Chavit na si Jerry Singson
00:42at vice governor naman ang anak niyang si Ryan.
00:45Nakaupo naman bilang first district representative ang isa pang anak ni Chavit na si Ronald Singson
00:50at ang pinsan nitong si Christine Singson.
00:52Bukod pa yan sa mahigit sampung local positions na hawak na mga Singson sa buong probinsya.
00:57Kilalang businessman si Manong Chavit kahit bago pa man ito sumali sa politika.
01:01Kasalukuyan niyang pinamumunuan ang Luis Chavit Singson o LCS Group of Companies
01:06na may labindalawang kumpanya ayon sa website nito.
01:09Kabilang ng isang power corporation, isang mining corporation at isang airline operations company.
01:15Hindi pa kabilang dyan ang Partas bus lines na pagmamayari rin ng dating gobernador.
01:20Sa pagsusuri ng Bilinary News Channel, napagalaman namin na konektado rin sa isang construction firm si Manong Chavit.
01:26Ang Satrap Construction Corporation o tila binaligtad lamang na Partas.
01:30Base sa datos ng DPWH, nakakubra ang kumpanya ng 62 public works contract sa Ilocosur mula 2016 hanggang 2025
01:39na nagkakahalaga ng 2.7 billion pesos.
01:43Sa isang 2012 Enquirer.net report, inamin dito ni Singson na pagmamayari ng kanyang pamilya ang nasabing kumpanya
01:49matapos iraid ang isang factory sa loob ng property na nakapangalan dito.
01:54Sa isang 2018 DPWH contract, isang Reynaldo Atienzar na ang nakalagay ng authorized managing officer.
02:00Sa isang 2022 contract naman, napaltan muli ito ng isang Rolando Tica.
02:05Sa kasalukuyan, isang Engineer Harold Molina na ang nakalagay sa papel bilang presidente ng Satrap Construction Corporation.
02:11Sa isang June 21 post, binati ni Molina si Manong Chavit sa kanyang kaarawa na tinawag itong Our Big Boss.
02:18Sa magkakaibang okasyon, consistent na nagpo-post ng pagbati ang Facebook page ng Satrap Construction
02:23kay Manong Chavit at anak nitong si Vegan City Mayor Randy Singson
02:27ng Happy Birthday from Your Satrap Construction Family.
02:30Sa isang panayam, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na bagamat maaaring tumakbong isang kontraktor sa isang public posisyon,
02:37bawal ang pagkakaroon ng kontrata sa pamahalaan oras na manalo ka.
02:41Bawal din daw sa saligang batas ang pagkakaroon ng direct interest ng isang politiko sa isang business,
02:47lalo na sa kanyang nasasakupan.
02:48Kabilang na riyan ang pagkakaroon ng kontrata ng iyong mga kamag-anak o mga kapamilya
02:53sa mga lugar na nasa ilalim ng iyong jurisdiksyon dahil sa conflict of interest.
02:57Sa pagsusuri ng aming team, parehong Singson ang nakaupong district representatives
03:01sa dalawang distrito ng Ilocos Sur ngayong 2025 elections.
03:06Aparehong taon kung kailan nakuha ng Satrap Construction Corporation
03:09ang pinakamalalaking kontrata nito sa loob ng siyem na taon.
03:13Eight public works contracts na nagkakahalaga ng P543 million pesos.
03:18Bukod pa riyan ang nakaupong Ako Ilocano Partless Representative
03:21na si Richelle Singson-Michael mula 2022 na anak din ni Manong Chavit.
03:26Although siyempre pag sila'y nanalo na at nangontrata pa sila,
03:30maa-antigraft and corrupt practices sila kasi pinagbabawal nga po yun
03:34na magkaroon ng interest, lalo pa't ito ay maaaring makabangga
03:39sa interest ng publiko sa pamahalaan.
03:42Sinubukan ng Bilinary News Channel na kunin ang panig ni Singson
03:45at kung ano pa ang koneksyon ng kanyang pamilya sa kumpanya.
03:49Pero hindi pa ito sumasagot sa aming mensahe.
03:51Para sa agenda, Joash Malimban, Bilinary News Channel.
03:54Manatiling nakatutok sa Bilyonaryo News Channel.
03:59Sumubaybay sa aming social media accounts
04:01at mag-subscribe sa aming YouTube channel
04:04para sa mga bago at eksklusibong balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended