Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa gitna po na issue sa mga flood control project, umalingaungaw ang usaping magpapalit ng liderato ang Kamara.
00:07At ayon po sa ilang sources ng GMA Integrated News ng mga kongresista,
00:11bukas daw magbibitiw sa pagka-House Speaker si Congressman Martin Romualdez.
00:17Sinabi din nilang si Isabella Rep. Faustino D. III ang magiging bagong House Speaker.
00:22Kanina po, mabilis na tinapos ang sesyon.
00:25At saksi, si Jonathan Nanda.
00:30Kalahating oras pa lang ang sesyon kanina sa Kamara. Tinapos na ito kaagad.
00:36Session suspended a little tomorrow, September 17 at 3 p.m.
00:42Nangyari ito sa gitna ng umuugong na balitang papalitan si Speaker Martin Romualdez bilang lider ng Kamara.
00:48Ayon sa ilang source ng GMA Integrated News, usap-usapan na magli-leave si Romualdez.
00:54Batay sa House Rules, sakaling mawala o pansamantalang hindi magawa ng Speaker ang kanyang trabaho,
01:00pipili ang mayorya sa mga deputy speaker ng isa sa kanilang grupo na kukuha ng kapangyarihan at trabaho ng Speaker.
01:06Sakaling lumagpas ang isang araw na walang napipiling acting speaker,
01:11magbubunutan sa kanilang grupo para makapagtalaga ng acting speaker.
01:16Sabi ni Navotas Rep. Toby Tiyanko, posibleng bukas ang pagpapalit ng liderato ng Kamara.
01:21Pero ayon Kitiyanko, hindi magtatagumpay ang anumang hakbang para patal si Quince Romualdez
01:26ng walang basbas mula sa Pangulo.
01:29Alam naman natin realidad ng speakership.
01:32Di ba, wala naman yung pinak-importanting numero.
01:34Wala naman dito sa loob ng House of Representatives.
01:37Let's accept that fact.
01:39Walang gagalaw dito because out of respect doon sa Malacanang.
01:45Hinihingan namin ang pahayag si Romualdez at ang Malacanang.
01:48Kahapon nakipagpulong si Romualdez sa mga chairman ng mga pangunahing kumite sa Kamara
01:52para pag-usapan ang mga seryosong usapin at hamon sa Kamara.
01:56Sinabihan niyang mga kumite na ituloy ang investigasyon kontra katiwalian
02:00para raw lumabas ang katotohanan.
02:02Nakapulong din kahapon ni Romualdez ang mga babaeng kongresista
02:05na isinulong ang mga itinutulak nilang panukalang batas sa kalusugan,
02:09edukasyon, kabuhayan at proteksyon sa mga kababaihan at kabataan.
02:13Para sa GMA Integrated News, ako si Jonathan Andal, ang inyong saksi.
02:19Sinisika pa pong makuha ng GMA Integrated News ang panig ni House Speaker Martin Romualdez.
02:25Samantala, iminukahe po na ilang senador na ilaan na lang para sa mga silid-aralan
02:29at iba pang pangangailangan na edukasyon
02:31ang fondo para sa mga flood control projects sa susunod na taon.
02:35Saksi, si Marie Zumali.
02:37Mismo si Pangulong Bombong Marcos na ang nagsabi,
02:44walang ilalaan na fondo para sa flood control projects sa taong 2026.
02:48Kaya ang P270B na panukalang fondo para sana rito,
02:53iminukahe ng mga senador na ilaan na lang para sa mga silid-aralan
02:56at iba pang pangunahing pangangailangan ng edukasyon.
02:59Dapat talaga, kaya ang mga kalukuan na flood control,
03:03ilipat na lang natin sa classroom building program
03:05and all the other programs for teacher development
03:08and teacher excellence training should be given there.
03:12So once again, Mr. Chairman, I'm here to give my all-out 1,000% support.
03:17There are about 203,000 classrooms that need repair.
03:22We'll also utilize yung flood control to augment this.
03:27Do you have any estimated amount as to how much we can,
03:33any proposals to put in classroom repair?
03:38If you don't have the figures right now?
03:39We don't have one right now, Your Honor, but we need it.
03:41Definitely, tama po kayo.
03:43And we'll work with you.
03:45And maybe we'll get back to you on that.
03:47Yung ilan talaga pwede.
03:49Pero pinunan ni Senate Committee on Finance Chairman Sen. Wyn Gatchalian
03:53ang mababa-umanong utilization rate ng pondo ng Department of Education.
03:58Ayon kay Gatchalian, nasa P56 billion pesos ang hindi pa nagagamit.
04:02Kaya't nananatiling problema ang obligasyon at implementasyon ng mga proyekto.
04:07I just want to flag the department on that.
04:11And this is in connection with the goal of increasing the allocation using the flood control projects.
04:20Thank you, Mr. Chair.
04:21The point is well taken.
04:22And I think there's room for improvement.
04:25So we do try to do a lot of EPA or early procurement activity.
04:29So this one, we save on time.
04:31Dagdag naman ni Sen. Bam Aquino,
04:34mas mainam kung ang pondo ay mailaan sa tamang presyo at mabilis na implementasyon,
04:38kasabay ng pagpuna sa mabagal na proseso ng DPWH sa classroom building program.
04:43We have to look at the price also because ang naging problema rin kasi with the DPWH price is that it's really higher than what our LGUs are utilizing.
04:55Pinuri naman ni Sen. Lauren Lagarda ang DepEd sa kanilang pagsusumikap na humanap ng pangmatagalang solusyon tulad ng PPPs o Public-Private Partnership
05:05at mas malawak na partisipasyon ng mga LGU at civil society group.
05:11Aabot sa P928.52 billion pesos ang panakalang budget na ipiniresinta ng Department of Education sa Senate Finance Subcommittee
05:19para sa taong 2026 na layong tugunan ang siksikan sa mga paaralan, kakulangan sa nutrisyon ng mga bata at kakulangan ng mga kagamitan para sa milyo-milyo mga mag-aaral at guro sa bansa.
05:32Ang pondong ito ay tinuturing ng naisumite para talakayin sa plenaryo.
05:36Para sa GMA Integrated News, ako si Mariz, umali ang inyong saksi.
05:42Pinagpapaliwanag ng Senate Committee on Games and Amusement ang kumpanyang may-ari ng Facebook.
05:47Hindi po kasi sumipot ang mga kinatawa nito sa pagdinig ng kumite ukol sa online gambling.
05:53Saksi, si Mav Gonzalez.
05:59No, no, no, Committee Secretary.
06:02Why are they dictating this committee kung kailan sila mag-aaten? No!
06:06Ikinapikon ni Sen. Erwin Tulfo ang sulat ng meta na makikipagpulong na lang sa kanya sa ibang araw
06:12ang mga empleyado nitong makakasagot sa pagdinig ng Senado ukol sa online gambling.
06:16Hindi a nila kasi available ngayon ang mga empleyado.
06:20Inisuhan ng show cost order para magpaliwanag ang meta kumpanyang may-ari ng Facebook.
06:25So we're trying to weigh here. Ipasara ba natin kung ako lang tatanay?
06:28Sara na natin itong kalukuhan na ito.
06:32Tapos ganyan, sasabihin mo na in your own time,
06:35hindi ka mag-aaten at mag-meet kita na mag-isa?
06:39What the?
06:41Ipinatawag ng committee ang mga social media platform kung saan may patalastas ang mga online gambling site.
06:46As of August 22, 2025, sinuspend po namin temporarily yung pong mga gambling ads.
06:53So 24-7 po yun since August 22, bawal na po for now.
06:57Kung ganyan sa TikTok, sa Google naman at sa YouTube na pag-aari rin ito,
07:02required ang lisensya bago makapaglagay ng ads.
07:04Pero sabi ni Tulfo, may lumusot na online gambling company na iligal o mano.
07:09My staff just opened YouTube and 1x bet on his account.
07:15This is illegal. It hasn't registered with the Philippine Amusement Gaming Corporation, madam.
07:19We use a combination of automated and human evaluation to detect and remove ads which violate our policies.
07:26We will act upon it, sir, if it's further flag.
07:29Kaugnay naman ang mga link o icon ng online gambling sites sa mga e-wallet,
07:34lahat ay natanggal na, ayon sa Banko Sentral ng Pilipinas as of August 16.
07:39Dahil dyan, nawala ng 40-50% ng kita ang pag-work.
07:44Pero giit ni Sen. Riza Ontiveros,
07:47ang gusto nila ay hindi na magamit ang e-wallet sa pagtaya sa online gambling sites.
07:52Tugon ng Banko Sentral,
07:53Sa ngayon, credit cards lang at iba pang paraan ng pang-utang ang bawal gamitin sa online gambling.
08:20Pwede pa rin ang e-wallet.
08:22Pero po nanihuntiveros, bakit pati iligal na online sugal nakakapagpataya gamit ang e-wallet?
08:28One modality or typology that is being used is through the use of mule accounts, Mr. Chair.
08:37So what we do is we pursue these mule accounts and we direct the Banko Sentral Supervised Institution concerned
08:45to look into the account and close the account if warranted.
08:53Ikinabahala rin ng mga senador ang laki ng halagang pwedeng itaya gamit ang e-wallets.
08:59Pwedeng umabot hanggang six digits, 500,000 pesos.
09:03Hindi ninyo kayang kontrolin?
09:05We can only see the top-up amounts because gambling does not happen on our platforms.
09:09Susunod naman aniya ang GCash at Paymaya kung may batas o utos na maglilimita sa halaga ng pwedeng iload na pantaya o top-up.
09:17We're in favor of measures that will curtail that kind of abusive behavior using our platform.
09:23Any abusive or misuse, abuse or misuse of our payment system is suspended right away.
09:32Para sa GMA Integrated News, ako si Mav Gonzalez, ang inyong saksi.
09:38Pumalag si Cavita 4th District Representative Kiko Barsaga sa pambabatikos sa kanyang asal at sa pagkwestyon sa kanyang kalagayan.
09:46I've not been diagnosed of any serious mental conditions that could lead me to be unable to be fit for service.
10:06Ang Kabarsaga, maglalabas lamang siya ng kanyang medical records kung magkakaroon ng court order.
10:12Kasunod po yan ng pahayag na mga dati niyang kapartido sa National Unity Party
10:18na sasampahan nila ng reklamo si Barsaga dahil sa umano'y misbehavior o hindi tamang asal.
10:24Sabi ni Barsaga, sa ilalim ng mga panuntunan ng House Ethics Committee,
10:29hindi siya pwedeng panagutin sa kanyang mga social media posts bago siya nahalal at maging miyembro ng Kamara.
10:35Gayunpaman, handa raw si Barsaga sakaling magpa siya ang kumite na tanggalin siya sa pagkakongresista.
10:42Distado ang mag-asawa na nagtangkaumanong suhulan ng isa't kalahating milyon piso
10:47ang kaanak ng isa sa mga nawawalang sabongero para iatras ang kaso.
10:52Saksi, si Emil Sumangil, Exclusive.
10:58Tinakit ng PNP-CIDG ang mag-asawang ito sa isang area ng Rizal Province.
11:04Makaraang tangkang suhulan umano ng 1.5 milyon pesos ang pamilya ng isang nawawalang sabongero.
11:12Nahuli ang mag-asawang suspect sa enchampet operation ng pulisya kung saan nakuha ang perang tinangkaumanong isuhol
11:19kay Jaja Pilarta kinakasama ni John Claude Ilonog, isa sa mga sabongerong nawawala noong pang taong 2002.
11:27Sa kopya ng complaint sheet na nakuha ng GMA Integrated News, sinabi ni Pilarta sa kanyang statement,
11:34kapalit daw ng 1.5 milyon pesos ang kanyang paranahimik,
11:38hindi na pagdalo sa anumang patawag ng korte kaugnay sa kaso ng mga nawawalang sabongero,
11:42at ang tuluyan niyang pag-atras sa reklamong inihain niya sa DOJ laban sa negosyanteng si Atong Ang at iba pa.
11:51Kung gusto po nila, papel ng recantation po yun na pinail ko po dun sa DOJ laban po kaila Sir Atong Ang.
12:03Kung gusto po nila, firmahan ko yun tapos manahimik na akong kapalit ng 1.5 milyon.
12:09Sa impormasyong nakuha ng GMA Integrated News, sinampakan ng mga kasong grave coercion at obstruction of justice
12:16ang mag-asawang suspect na ayon sa source ay kapwa kamag-anak din ng nawawalang si John-Claude Ilonog.
12:24So ayoko niyong areglo since day one. Napag-usapan na rin niyan noon.
12:28Masama yung loob ko noong uun na sheltered.
12:31Anong gusto ba nilang gawin?
12:33Gayahin ko yung ginawa nila.
12:36Kawawa naman yung kapatid nila.
12:38Kawawa naman yung anak niya.
12:40Wala nang, hindi na nga nila mabigyan ng hostisya eh.
12:43Ako na lang yung lumalaban.
12:45Inihain din sa piskalya ang mga kuha ng CCTV na ito sa bahay ni Pilarta.
12:50Makikita raw dito kung ilang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Pilarta ang mga gustong manuhol sa kanya.
12:57Kanina, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulia sa budget hearing ng DOJ sa Kongreso
13:02na pinapahirap nito ang paglutas nila sa kaso.
13:06Araw-araw po nakakakuha tayo ng human remains eh sa Taal Lake.
13:12Ang DNA lang, hindi pa namin nakapausad nung gusto.
13:15Kasi nga, marami pa pong mga families na sa bongero na kailangan po natin kunan ng DNA.
13:20At marami po kasi dyan, ay nagpapayad na at nawawala na sila.
13:25Patuloy namin sinusubok na makunan ng panig.
13:28Ang mga inaresto, pati na ang kampo, ninaatong ang.
13:31Para sa GMA Integrated News, ako si Emil Sumang, ilang inyong saksi.
13:37Lumabas sa pagsusuri ng United Nations Commission of Inquiry na genocide o malawakang pag-ubos sa isang lahi ang isinagwa ng Israel sa Gaza.
13:46Ayon sa chairperson ng komisyon, batay sa genocide convention, matatawag na genocide ang pagpatay kung may intensyong ubusin ang isang buong grupo o bahagi nito.
13:56Tinukoy sa 72 pahina ng legal analysis ng komisyon, ang ilang halimbawa ng malawak na pagpatay, pagharang sa pagpasok ng tulong sa Gaza,
14:05pagwasak sa isang fertility clinic, at pwesahang pagpapaalis sa mga residente.
14:10Nanguna raw dito si na-Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, Israeli President Isaac Herzog, at dating Defense Minister Yoav Gallant.
14:19Ang Israeli Ambassador to the United Nations na si Daniel Meron, tinawag na libelous rant ang sinabi ng komisyon.
14:27Peke! At skandalosoan niya ang ulat ng komisyon, at base raw ito sa maling impormasyon.
14:33Ang komisyon ay isang independent body at hindi sumasalamin sa buong United Nations na hindi pa ginagamit ang salitang genocide kaugnay sa sitwasyon sa Gaza.
14:43Sinimula na ng Israel ang anilay main stage ng kanilang ground offensive sa Gaza City.
14:50Ay sa Israeli Defense Forces, dadami pa ang bilang ng kanilang mga sundalo sa lungsod sa mga darating na araw.
14:56Naglabas ng bagong panuntunan ng Metro Manila Council o MMC na nagbabawal po sa pagpaparada sa anumang uri ng sasakyan sa mga pangunahing lansangan.
15:07Saksi si Joseph Moro.
15:08Matinding traffic, aksidente, sagabal sa daan, pagkalugi ng mga negosyo.
15:18Ilan lamang yan sa mga naidudulit na problema dahil sa illegal parking ayon sa Metro Manila Council o MMC at MMDA.
15:25Kaya naglabas sila ng panuntunan na nagbabawal sa pagparada ng lahat ng uri ng sasakyan sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.
15:33Sa National Secondary Roads, papayagan lamang ang parking sa mga piling oras.
15:37Kailangan po rin magpasa ng ordinansa kasi nga po, mayroong mga karsada na allowed ang LGUs na mag-regulate.
15:49In so far as yung mga ban naman, defined naman yan kasi yung National Primary Road.
15:56Yun naman pong National Secondary Road, pwede po, depende rin nga sa ordinansa ng bawat syudad or ng LGU,
16:05pwedeng i-regulate na magpa-park,
16:09pera lamang pag 7am to 10am at 5pm to 8pm which is yung rush hour.
16:16Base sa MMDA Regulation No. 25-001, bawal ang pagparada sa ilang kalsada sa C1 hanggang T6 sa Circumferential Road System sa Metro Manila,
16:28Racial Road System o R1 hanggang R10, at iba pang pangunahing kalsada at highway.
16:34Ipinauubaya naman ang MMDA sa mga LGU ang regulasyon sa iba pang non-national roads.
16:39Hopefully, bago magkaroon ng Christmas rush, ma-implement na ito para po maibsan.
16:47Alam naman natin na bago lumalapit yung Pasko, ay bumibigat yung dalay ng traffic.
16:54So, we must ensure na free sa obstruction yung mga pangunahing lang sa hanggang.
17:00Ayon naman sa ilang alkalde, exempted sa ordinansa ang ilang kalsada at ilang pang lugar,
17:05lalo na yung malalapit sa mga pamilihan.
17:07May mga areas kasi talaga na katulad sa Maynila, non-negotiable and some we are trying to blend with the demand sa kanilang kalsada.
17:19Pag malaki, like in the case of Recto, sobrang lapad ng Recto, yung isang portion doon,
17:27hinahayaan namin na makapag-deliver at makapag-supply at makapag-distribute yung aming mga negosyante doon sa area na yun.
17:36Pero pag-uusapan rin daw ng MMC ang pangangailangan pa rin sa mga lugar na kailangan ng paradahan.
17:42Mahalaga na hindi po ito total street parking ban.
17:46You have to also consider the reality on the ground, di ba?
17:50Saan ba nga pa paparada din mga sasakyan?
17:53The LGUs can now determine,
17:55ano bang mga kalya namin ang pwede talagang paradahan,
17:58na hindi naman po magiging sagabal sa traffic.
18:01Kung sakaling payagan nga namin na pumarada rito,
18:05lalong-lalo na yung mga emergency vehicles.
18:07Kailangan po yung ordinance na ipapasa nila ay consistent doon sa ipinasan natin yung resolution ni kanina.
18:14Yun nga, unang-una na dyan yung primary road, absolute yan.
18:20Bawal mag-park.
18:21Yung mga national secondary road, yun lamang yung pwede.
18:26Yung sa mabuhay lanes na kasundo kami,
18:29pag-uusapan lang namin,
18:31pwedeng mag-exempt,
18:32provided,
18:34may sukat.
18:35Para sa GMA Integrated News,
18:37ako si Joseph Morong,
18:38ang inyong saksi.
18:40Mga kapuso,
18:42maging una sa saksi.
18:43Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube
18:46para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended