00:00Samantala, bako naman tayo sa Mindanao at silipi na ang kanilang ipinagmamalaking magindanaon dish na hindi lang masarap at mura, kundi hitik pa sa kasaysayan at kultura.
00:10Iahatid sa atin yan ni Aurea Marie Belgera ng PIA Sox Surgeon.
00:17Sa halagang 10 piso, may kanin ka na, may ulam ka pa.
00:21Sa kabakan kotabato, patok ang magindanaon dish na hindi lamang mura, kundi puno rin ang kwento at sumasalamin sa kultura.
00:30Ito ay ang pastil o kilala rin patil na binubuo ng kanin na may hinimay na ginisang manok at nakabalot sa dahon ng saging.
00:40Tinaguri ang poor man's instant food. Ito ang laging karamay ng mga estudyante at mga manggagawang nagtitipid.
00:47Para sa lokal na pamahalaan ng kabakan, ang pastil ay hindi lamang basta pagkain, kundi simbolo ng pagkakaisa at magpapahalaga sa kultura ng Bangsamoro.
00:58Taon-taon kasi ay bahagi na ng founding anniversary ng bayan, ang Bangsamoro Day, upang kilalanin ang kultura at tradisyon ng Bangsamoro na naging bahagi na ng kasaysayan.
01:09Dito sa munisipyo ng kabakan, kami po dito ay tri-people. So may IP po tayo. Kada tribo ay binibigyan po natin ng kahalagahan kasi parte po sila kung ano ang kabakan ngayon.
01:24Sa pagunlad ng kabakan, bawat isa ay merong ambag. Meron din po tayong Bangsamoro Day na kung saan yung mga pagkain na inihahain ng ating mga kapatid na mga Bangsamoro ay may ipakita at makakaramdam din sila na importante sila sa community.
01:46Ang Bangsamoro Day ay isa ring paraan para manatiling buhay sa bagong henerasyon ang kahalagahan ng kultura.
01:54Ang kahalagaan ng pagdantapop ng Muslim Delicacy sa Pista ng Kabakan ay upang maipakita sa tri-people, especially sa mga young generation ng mga Bangsamoro muslim.
02:09Patuloy ang ginagawang hakbang ng lokal na pamahalaan upang mapaunlad at maipakilala ang iba't ibang Moro Delicacy, hindi lamang sa Mindanao, kundi pati na rin sa iba't ibang panig ng bansa.
02:20Mula rito sa Cotabato Province, para sa Integrated State Media, Aurea Marie Belgera ng Philippine Information Agency, SOCSARGEN.