Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mark Salazar
00:30Karagdagan daw para sa pagbusisi sa mga maanumalyang flood control projects ang binubuong Independent Commission on Infrastructure o ICI ng Malacanang.
00:40Pero si House Public Accounts Committee Chairman Terry Ridon may agam-agam sa pagtalaga kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang special advisor ng komisyon.
00:50Marami hong mga sinabi si Mayor Magalong nung una laban sa House Infrastructure Committee.
00:55Ang sabi niya una, ito po ay yung anti-moral pejorative na parang lokohan lang.
01:02Pangalawa, sabi niya nagmamaang maangan po yung mga miyembro ng komite.
01:08Tapos pangatlo, ang sabi niya ho ay mga kriminal yung mga miyembro po ng komite po na ito.
01:17Welcome naman para kay Senate President Pro Tempore at Blue Ribbon Committee Chairman Panfilo Lacson ang ICI.
01:25Lalo't hindi lang flood control projects ang iimbestigahan.
01:28Hiling din ng Senador, palawigin ang sumbong sa Pangulo website para isama ang lahat ng proyekto ng lahat ng ahensya.
01:36Ang detalye ng budget mula National Expenditure Program hanggang General Appropriations Act.
01:42At lahat ng amyenda at nag-amyenda ng budget hanggang sa implementasyon.
01:48Pag-uusapan daw ng House Infrastructure Committee ang susunod na hakbang kapag gumalaw na ang ICI.
01:55Pero kung si Ridon ang tatanungin, dapat nilang tapusin ang sariling imbestigasyon.
02:01Magkaiba po yung mandato ng ICI at nito pong House Infrastructure Committee.
02:07This is an inquiry in aid of legislation.
02:09So pwede po itong magtuloy-tuloy.
02:11Bukod sa sinisili pa ng infracom ang mga proyekto sa Bulacan, nakapila rin ang mga proyekto sa Benguet at Davao City.
02:19Maraming po kailangan pag-usapan pa.
02:21So yung Benguet na pinuntuhan po ng Pangulo kung saan siya ay nagsalita tungkol doon sa rock shed at tungkol po doon sa rock netting.
02:30Gusto rin po natin siya sa atin.
02:31Very important and very timely po kasi na magpunta rin po roon kasi nga halos sa linggo-linggo hong nagbabaha sa Davao City ngayon.
02:40So I think very important to maging bahagi po ng pagsisiyasat po ng komite yung usapin po ng flood control ng Davao City.
02:49Marami pa rin ani ang dapat sagutin ang mga diskaya gaya ng bakit simula 2022 lang ang kanilang ibinubulgar na korupsyon.
02:58Kailangan din daw kumpletuhin ang mga testigo mula DPWH Bulacan First District Engineering Office ang kanilang testimonya na nagsasangkot sa ilang senador.
03:08Kung magsabi naman ng Sen. Joel at Sen. Jingoy na gusto nila lang magpunta sa house hearing, malaya po silang magpunta po roon at ibigay po ang kanilang side.
03:20Pero hindi po natin sila pepwersahin.
03:24Kinukuha pa namin ang panig ni Sen. Joel Villanueva tungkol dito.
03:28Pero sabi ni Sen. Jingoy Estrada sa GMA Integrated News, hindi niya kailangan dumalo sa pagdinig ng kamera dahil mayroong sarili ang Senado
03:37at aabangan niya raw si dating DPWH Assistant D. E. Bryce Fernandez para gisahin sa kanyang mga paratang.
03:45Sa Huwebes itutuloy ang hearing ng Senate Blue Ribbon Committee.
03:48Inaasahan ng pagbabalik ng mga testigo kabilang si DPWH Engineer JP Mendoza na wala na sa house custody simula noong biyernes.
03:59Ang PNP handa raw magbigay ng siguridad sa taga-DPWH na nagsasagawa ng inspeksyon sa iba't ibang lugar sa bansa.
04:06Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
04:18GMA Integrated News, Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended