Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00PINANGALANA NA NANG PALASIO
00:07Pinangalanan na ng palasyo ang dalawa sa mga magiging miyembro ng Independent Commission for Infrastructure
00:12na sisilip sa mga maanumaliang flood control project.
00:16Isang alkalda rin ang itinalagang magiging special advisor at investigador.
00:22Nakatutok si Jonathan Andal.
00:24Sinadating DPWH Secretary Rogelio Singson at Rosana Fajardo
00:32ang dalawang magiging bahagi ng three-member Independent Commission for Infrastructure
00:37na mag-iimbestiga sa mga anomalya sa flood control project.
00:41Si Singson, DPWH Secretary ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
00:45As former Secretary of the Department of Public Works and Highways,
00:49he led one of the most significant reform efforts in the agency's history.
00:53Introducing systems to promote transparency, eliminate ghost projects, and ensure proper use of public funds.
01:02Certified public accountant naman si Fajardo at country managing partner ng SGV and Company,
01:07ang pinakamalaking professional services firm sa bansa.
01:10She has over three decades of experience in auditing, internal controls, and risk management.
01:17Her technical insight and financial acumen are critical in following the trail of public funds
01:23and determining where leakages and irregularities may have occurred.
01:28Special advisor at Tatayong Investigador si Baguio City Mayor Benjamin Magalong,
01:33dating hepe ng PNP Criminal Investigation and Detection Grupo CIDG.
01:36His experience in leading difficult investigations, uncovering internal wrongdoing,
01:43and enforcing compliance makes him a strong asset to this commission.
01:49Ang tatayong chairman ng komisyon, iaanunsyo raw mismo ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga susunod na araw.
01:55Sinusubukan pa namin kunan ng pahayagang tatlong pinangalanan kanina pero wala pa silang tugon sa ngayon.
01:59Pag titiyak ng palasyo,
02:02wala ni isa sa kanila ang konektado sa anumang ahensya o kontratistang iniimbestigahan.
02:08Gaya ng paulit-ulit na sinabi ni Pangulong,
02:11walang sasantuhin dito.
02:13Kahit kamag-anak, kaibigan, kaalyado,
02:16there will be no secret cause.
02:19The commission will begin its work immediately.
02:22Pero bakit kaya napili si Magalong kung ang sabi noon ng Pangulo,
02:25walang politikong itatalaga sa independent commission?
02:28Ang magiging papel po ni Mayor Benji Magalong ay special advisor.
02:34Hindi po siya kasama doon mismo sa three-member commission.
02:38So bigyan po natin siya ang pagkakataon.
02:41Walang binigay na timeline ang palasyo kung kailan matatapos ng ICI ang investigasyon nito
02:45sa rami ng dokumentong kailangan nilang busisihin.
02:48Pero inatasan silang buwan-buwan na mag-report sa Pangulo.
02:52May tutulad sa hukuman ng kapangyarihan ng ICI.
02:55Pwede itong magsagawa ng pagdinig, maglabas ng sabi na sa mga ipatatawag na testigo at dokumento,
03:00magrekomenda ng isa sa ilalim sa Witness Protection Program.
03:04Humingi ng report ng investigasyon ng mga kumite ng Kamara at Senado,
03:08court records ng Sandigan Bayan,
03:10at mga libro, kontrata at bank records.
03:12May kapangyarihan din ang ICI na magrekomenda sa otoridad na maglabas ng hold departure order,
03:19magpa-uwi ng nasa abroad, at magpa-freeze ng mga ari-arian, mga deposito,
03:24kung may sapat na basihang galing sa anomalya sa flood control o infrastructure project ang mga ito.
03:29Pwede rin silang magrekomenda ng agarang pagsuspinde sa mga pampublikong opisyal
03:34at magrekomenda ng parusa sa mga tatangging humarap o tumistigo sa isinasagawang investigasyon.
03:40Maging pribadong individual, parurusahan din sa ilalim ng batas.
03:45Sabi ng palasyo, kasama sa iimbestigahan ng komisyon si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan
03:51na ayon kay Senlor Panfilo Lacson, konektado raw sa isang kontraktor.
03:55Bagay na nakarating na raw sa Pangulo.
03:58Patuloy naming sinusubukang kunin ang panig ni Bonoan.
04:01Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal, Nakatutok, 24 Horas.
04:11Have a great day.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended