Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sisilipin na rin ang Anti-Money Laundering Council ang mga kasino,
00:04kasunod po ito ng mga ibinulga ni Sen. Ping Laxon tungkol sa tinaguriang BGC Boys
00:09na kinabibilangan ng mga DPWH engineer na sangkot sa issue ng flood control projects.
00:15Saksi, si Maki Pulido.
00:20Sa privileged speech ni Sen. Ping Laxon,
00:23duda niya hindi lang nagsusugal sa kasino ang mga binansagan niyang BGC Boys
00:28o Bulacan Group of Contractors.
00:30Apat dito, mga naging opisyal ng DPWH Bulacan.
00:34Maaari, sabi niya na naglo-launder ang mga ito ng pera
00:37o nililinis ang perang nakamal mula sa mga flood control project.
00:41Sa kanyang pagsasaliksik, sa loob ng mahigit dalawang taon mula 2023,
00:46mahigit dalawang bilyong piso ang cash na pinapalitan ng chip sa kasino ng BGC Boys.
00:51Baka naman money laundering scheme.
00:55May report kami at ito ay aming pang binabalidate.
00:58Na peke lang ang pagdeklaran nilang panalo.
01:02How so?
01:03Magpapalit ng cash into casino chips.
01:05Pero pag natalo ng kaunti,
01:07pupunta sa cashier para mag-cash out at ideklarang panalo
01:11ang pinagpalitan nilang chips.
01:14Ayon sa Anti-Money Laundering Council,
01:16isa ito sa mga paraan para linisin ang itinuturing na maruming pera
01:20dahil galing sa korupsyon o krimen.
01:22Binibili po nilang chips,
01:24and then they engage in minimal play.
01:26Sometimes walang laro.
01:27And then these launderers cash out yung mga chips po na yun.
01:34The funds can be presented as legitimate gambling winnings.
01:38Kaya isa raw ang mga casino sa covered institutions.
01:42Ibig sabihin, may mga regulasyong dapat silang sundin tulad ng pag-report sa AMLC
01:46kung may transaksyon na 5 million pesos o higit pa.
01:50Red flag o dapat na rin i-report sa AMLC kung masyadong malaki ang halagang pinapalitan.
01:55Kailangan nga raw may valid ID na iprisinta at may certificate of winning mula sa kasino
02:01para matiyak na totoong galing sa panalo ang kasino chips na i-co-convert na sa cash.
02:07Matapos ang pagbubulgar ni Laxon,
02:09sabi ng AMLC,
02:10i-imbestigahan nila ang mga kasino.
02:13May kalagay po yun na penalty under our rules of administrative cases against covered persons.
02:20May may table of penalties po yun,
02:22depende po sa possible na violation na makikita namin.
02:26Iniimbestigahan na rin ng AMLC ang mga personalidad na nadidikit sa mga questionableing flood control project,
02:32mga opisyal ng gobyerno, construction companies, pati na mga kaanak nila.
02:37Katama rin po yung mga nagpanggit na mga pangalan.
02:40Alam naman po natin, laundering of funds, even corruption can extend,
02:44even disassociates or family members of those involved in corruption.
02:51Kaya lumalawak po siya,
02:53tapos initial finding namin,
02:55napakaraming bank accounts,
02:56napakaraming properties,
02:57whether real or personal properties.
03:00Tinitiyak ng AMLC,
03:01kasunod ng kanilang imbesigasyon,
03:03ang paghingi sa Court of Appeals ng freeze order
03:06para hindi magalaw na mga nagsabuatan sa korupsyon
03:09ng flood control projects,
03:11ang ninakaw nilang pera.
03:12Para sa GMA Integrated News,
03:14ako si Maki Pulido,
03:15ang inyong saksi.
03:18Mga kapuso,
03:19maging una sa saksi.
03:20Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube
03:22para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended