Skip to playerSkip to main content
Aired (September 11, 2025): Pagsasalita at pagboto ng tama, ilan lang ito sa mga nasabi ni Meme Vice na paraan upang malalaban ang umiiral ng korapsyon sa gobyerno. #GMANetwork

Madlang Kapuso, join the FUNanghalian with #ItsShowtime family. Watch the latest episode of 'It's Showtime' hosted by Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Karylle, Jhong Hilario, Amy Perez, Kim Chui, Jugs & Teddy, MC & Lassy, Ogie Alcasid, Darren, Jackie, Cianne, Ryan Bang, and Ion Perez.


Monday to Saturday, 12NN on #GMA Network. #ItsShowtime #MadlangKapuso


For more It’s Showtime Highlights, click the link below:
https://www.youtube.com/playlist?list=PLGRhcC_vtOrbo1gjPILNyCBKw7tSgxQrJ


Watch It's Showtime full episodes here:
https://www.gmanetwork.com/fullepisodes/home/its_showtime

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Okay, matagal ka ng kargador, bakit ka napunta sa ganyang linya?
00:04Kasi ako, ang pagiging kargador, pagiging tricycle driver, pagiging janitor,
00:10lahat yan marangal.
00:11Pero ako iniisip ko, meron bang isang bata, nung siya ay bata pa,
00:18yan ang kanyang pangarap?
00:20Kasi di ba nung tayo mga bata, lagi tayo natatang,
00:23anong pangarap mo? Anong gusto mong maging sa buo, sa paglaki mo, sa iyong pangarap?
00:27Meron bang bata talaga na ang naisip niya, gusto niyang maging kargador,
00:31gusto niyang maging janitor?
00:34Pero alam natin lahat na yan ay marangal na trabaho.
00:37Kaya ang gusto kong tanong, bakit yan ang dyan ka napunta?
00:41Yan ba talaga ang gusto mo, o may dahilan pagkakatong sa buhay mo na
00:45dyan ka hinatid sa posisyon na yan?
00:48May dahilan din po.
00:50Dahil nung bata pa po, kasi wala na po akong tatay.
00:53Wala na pong ibang sa supporta sa amin, kundi ako na lang po.
00:56Kasi lahat po ng mga kapatid ko, may mga asawa na rin po.
01:00Kaya tinigil ko po yung pag-aaral ko para makatulong po kahit pa para sa magulang ko.
01:06Nag-try po akong magbuhat ng mga paninda, mga buko,
01:12para lang po may pang-suporta sa aking magulang.
01:14Yan kasi yung pinakamabilis na racket sa marami, di ba?
01:17Kasi hindi ka hihinga ng experience, hindi ka hihinga ng diploma.
01:23Sa construction, gano'n.
01:24Oo, sa construction.
01:25Eh, ang kailangan lang naman dyan talaga, sipa, nakalakas.
01:29Kailangan porsigido ka.
01:31At higit sila, disiplina ha.
01:33May kailangan ng disiplina ng mga taong yan.
01:36Kasi kung wala kang disiplina, hindi ka magigising ng maaga.
01:39Kung wala kang disiplina, aarte ka pag nainitan ka, pag nadumihan ka, pag napagod ka.
01:44Malaking disiplina ang meron ng mga taong ito.
01:48At mahirap yan kasi physical na physical ang trabaho mo.
01:51Di ba?
01:52Pero dahil sa puntong yun, kailangan-kailangan mong kumita.
01:55Kaya yan na agad ang pinasok.
01:57Pinasok niya agad.
01:58Anong edad ka pumasok ng pagkakaragador?
02:0114 po.
02:0214 years old?
02:03Oo po.
02:04Hanggang ngayon, ilang taong ka na?
02:0621 po.
02:0721.
02:087 years.
02:09Correct.
02:10So, ayan o.
02:11Ito yung mga taong ninanakawan natin.
02:17Di ba?
02:19Ang korupsyon ay hindi lamang pagnanakaw ng salapinang bayan.
02:23Ito ay pagnanakaw ng pag-asa.
02:26Ito ay pagnanakaw ng pangarap.
02:30Di ba?
02:31Ito ay pagnanakaw ng magandang posibilidad.
02:34Di ba?
02:34At maraming tao na ang namatay dahil sa pagnanakaw nyo ng pondo ng bayan.
02:40Di ba?
02:40Maraming magulang ang hindi nakapagdala sa hospital ng kanilang may mga sakit na anak dahil sa korupsyon.
02:50Maraming matatanda ang hindi naagapan ng sakit dahil sa korupsyon.
02:55Maraming bahay ang nasira at nabagsakan dahil sa korupsyon.
02:59Maraming mag-asawa ang naghiwalay dahil sa problema ng kahirapan.
03:04Tama.
03:04Kaya hindi lang pera ang ninanakaw nyo.
03:07Buhay.
03:10Di ba?
03:11Yeah.
03:12O kaya ikaw,
03:14balikan mo ang mga nagnakaw sa'yo.
03:17Di ba?
03:18Mababalikan natin sila sa anong pamamaraan?
03:21Sa pagsasalita?
03:22Sa pagboto ng tama?
03:25Sa wag pagpayag na ito ay patuloy nilang gawin sa atin.
03:31At sa wag pagpayag na ito ay nagawa nila ng ganun-ganun lang.
03:35Di ba?
03:36At hindi lahat may tapang ha?
03:38Hindi lahat may kakayahan.
03:39Kasi yung iba iniisip,
03:41eh kung makikipaglaban pa ako,
03:42hindi ako makakapagtrabaho.
03:43Kung makikipaglaban pa ako,
03:44hindi ako kikita paano yung pamilya ko.
03:46Kami ang makikipaglaban para sa'yo.
03:51Marami salamat po.
03:52Marami salamat po.
03:53Di ba, Ron?
03:54Pagpatuloy mo lang ang sipag mo.
03:55Balang araw,
03:56balang araw,
03:57may awa ang Diyos.
03:59Balang araw,
04:00bubukas ang pinto
04:01at may oportunidad na nag-aantay sa'yo
04:03at magdadala sa'yo sa mas comfortable buhay.
04:05Amen.
04:16Pagpatuloy mo lang.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended