00:00Official na ang inilunsad ng Department of the Interior and Local Government o DILG
00:05ang Nationwide Unified 911 o ang iisang hotline na papalit sa mahigit 30 local government or local emergency numbers.
00:16Ito ay alinsunod pa rin sa Direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:21na tiyakin ang kaligtasan na mga pamilya at komunidad sa bansa.
00:26Ang 911 hotline ay pinag-isa ang mga emergency access numbers sa bansa
00:32kabilang ang polisya, medical, disaster at fire response,
00:38mapabilis ang servisyo at maiwasan ang pagkalito sa iba't ibang hotline.
00:44Ang bagong 911 hotline ay libre at maaring tawagan 24-7
00:49at dinisenyo para makasagot sa iba't ibang lengguahe ng bansa
00:53tulad ng Tagalog, Cebuano, Ilocano, Waray, Tausug at iba pa.
00:59Target ng 911 system na makaresponde at matulungan ang mga nangangailangan sa loob lamang ng limang minuto.