00:00Salima Refran
00:30Sila ang mastermind sa nauwalang mga sabongero. Sila ang utak ng lahat.
00:38Nitong Hulyo, pinangalanan ni Julie Dondon Patidongan si Charlie Atong Ang
00:43bilang isang umano sa mga mastermind sa pagkawala ng mga sabongero,
00:48bagay na agad pinabulaanan ng negosyante.
00:51Wala kami kinalaman lahat dyan. Malalaman nyo rin ang totoo, siguro.
00:55Isinilbi na ng Department of Justice ang mga sabina kay Atong Ang, sa aktres na si Gretchen Barreto
01:01at anim na pong iba pa kaugnay sa mga reklamang multiple murder at kidnapping with serious illegal detention
01:07kaugnay ng mga nawawalang sabongero.
01:11Sisimulan daw ang pagharap sa preliminary investigation sa susunod na linggo, September 18.
01:16Definitely, you can expect an evidence-based investigation and an evidence-based decision from the panel of prosecutors.
01:24Wala po tayong kinikilingan dito, kundi yung katotohanan lang po at kustisya.
01:30Kaya we just hope that they use this avenue and this channel for their own personal quest for the truth.
01:37Wala naman po tayong ibang gusto dito kung hindi lumabas ang katotohanan.
01:41Pinasab-pina rin si dating NCRPO Chief Jonel Estomo at labing walupang polis.
01:47Bukod sa murder at kidnapping, nakaharap sila sa mga reklamong enforced disappearance,
01:52paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act,
01:56direct bribery, corruption of public officials, obstruction of justice,
02:00at paglabag sa International Humanitarian Law.
02:03Para yan sa pitong insidente na uwi sa pagkawala na mahigit tatlong pong sa bongero mula 2021.
02:11Kasama rin sa pinaharap sa mga reklamo ang magkapatid na don-don at ilakim patidongan na nakikipagtulungan sa investigasyon.
02:19The route that they are looking at is for them to be discharged as state witnesses,
02:24they first have to be charged in this case.
02:27To be able to be discharged as a state witness,
02:29considering po na pasok sila sa eligibility at qualifications ng isang state witness.
02:34Kasama na po dyan na hindi dapat sila pwede maging most guilty sa kaso.
02:39Ayon sa kampo ni Ang, bukas sila sa pagkakataong sagutin ang mga akusasyong binabato ni Dondon Patidongan.
02:46Hamon nila kay Patidongan, lumabas mula sa likod ni Justice Secretary Jesus Crispin Rimulya
02:51at patunayan sa pamamagitan ng ebedensya ang kanilang mga akusasyon.
02:56Si Barreto, sinabing maglalabas ng pahayag ang kanyang abugado.
03:01Patuloy pa namin kinukuha ang panig ni Estomo,
03:04pero nauna na niyang itinanggi ang anumang kaugnayan sa pagkawala ng mga sabongero.
03:09Panibagong set naman ng mga hinihinalang buto ng tao
03:12ang naiaho ng Philippine Coast Guard mula sa Taal Lake.
03:16Nasa PNP Crime Lab na ang mga ito para sa pagsusuri.
03:20Ito ang unang balita sa Nima Refrain para sa GMA Integrated News.
03:25Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
03:31para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
Comments