00:00Alamin naman natin ang mga kaganapan sa international sports scene sa report ni teammate Kate Austria.
00:08Sa tennis, muling ipinakita ni Carlos Alcaraz ang kanyang dominasyon sa turniyo matapos dalunin si Yannick Simmers sa kanilang mainit na tapatan upang muling masongkit ang US Open titles sa New York.
00:20Tinalo ng 22-year-old na si Alcaraz ang Italian star sa apat na set, 6-2, 3-6, 6-1 at 6-4.
00:27Matapos makuha unang set, hindi rin nagpatalo si Sinner at dinamina ang ikalawang set, bago tuluyang masongkit ni Alcaraz ang kampyonato.
00:35Sa panalong ito, muling umakyat si Alcaraz sa ATP rankings bilang world number one.
00:40Ang kanyang pagbabalik sa top ranking makalipas ang dalawang taon.
00:44Siya rin ang kalawang pinakabatang manlalaro sa Open Era na may 6 na Grand Slam titles kasunod lamang ni 10 star Beyond Board.
00:51Hawak na ngayon ni Alcaraz ang 2-1 record sa kanilang Grand Slam trilogy at 10-5 wins kontra kay Sinner.
00:57Kabilang ang pitong sunod na tagumpay sa kanilang huling walong laro.
01:01Patuloy na pinapatunayan ng Spanish tennis star na siya ang isa sa mga well-rounded player ng kanyang generasyon.
01:07Dahil sa kanyang panalo na ito, naging ikaapat siyang manlalaro sa kasaysayan na nagwagi ng multiple Grand Slam titles
01:13sa tatlong surface kasama si na Novak Djokovic, Rafael Nadal at Mats Wielander.
01:18Sa balitang golf naman, isang thrilling finish ang nasaksihan sa Irish Open nang muling mag-hari si Rory McIlroy
01:27matapos talunin si Yaquim Lagergren sa isang playoff nitong linggo.
01:31Kinailangan ni McIlroy ng Eagles sa par 5-18th hole upang manatiling buhay pa sa laban.
01:36At iyon mismo ang kanyang ginawa mula sa halos 30 feet, matapos magtala si Lagergren ng 17-under sa clubhouse.
01:44Sa playoff, parehong nagtala ng birdie ang dalawang manlalaro sa unang dalawang holes,
01:49ngunit nagkaroon ng mas patinding tensyon sa 3rd hole.
01:52Nabigo si McIlroy na tamaan ng fairway habang bumagsak sa tubig ang bola ni Lagergren matapos tumalbog sa gilid ng green.
01:59Sa huli, nagtapos lamang si Lagergren sa par, samantalang nagtala si McIlroy ng birdie na nagbigay sa kanya ng panalo
02:05ang kanyang 2nd Irish Open Queen at ang una mula 2016.
02:09Ang panalo rin na ito ay nagbigay ng perfect momentum kay McIlroy bago ang Ryder Cup sa Bethpage Black Forest Farmingdale
02:16kung saan susubukang depensahan ng Team Europe ang kanilang corona.
02:22Sa Motorsports, nagpakitang gila si Max Verstappen sa Italian Grand Prix nitong linggo sa Monza
02:28patapos makuha ang dominanting panalo laban sa kanyang mga title rivals
02:32at McLaren teammates na si Lando Norris at Oscar Piastri.
02:36Ito ang kanyang unang panalo simula Mayo at pangatlo lamang sa season na ito
02:40kung saan nagtala rin siya ng fastest lap sa Formula 1 history sa track nitong Sabado
02:45para makuha ang pole position.
02:47Nasa pangalawang pwesto si Norris, halos 20 seconds lamang ang layo kay Verstappen
02:52na nagbawas ng gap sa title race kay Piastri mula 34 points hanggang 31 points.
02:57Ito na ang ikatlong beses ni Verstappen na nagwagi sa Italian Grand Prix
03:01at ang unang driver na nanalo mula sa pole position sa Monza mula 2019.
03:06Keith, Austria para sa Pambansang TV sa Pagong Pilipinas.