00:00Sa harap naman ng pinatutupad na paglilinis sa Philippine Contractors Accreditation Board at Construction Industry Authority of the Philippines,
00:09pinangalanan na ni DTI Secretary Cristina Roque ang Acting Executive Directors ng naturang mga tanggapan.
00:16Batay sa opisyal na pahayag ng DTI, magsisilbing Acting Director ng CIAP, si Doris Gacho, habang si Engineer Sergei Ratome ang Acting Head ng PCAB.
00:27Ayon kay Roque, layan itong matiyak ang patuloy na operasyon ng naturang mga tanggapan habang nagpapatuloy ang internal cleansing sa mga ito.
00:38Bukod dito, sinabi ng kalihim na bumuuna din ng Oversight at Fact-Finding Management Team, ang DTI,
00:45na tututok sa imbestigasyon, pagtugon, komunikasyon at recovery efforts sa mga usapin tulad ng licensing sa PCAB.
00:52Git ni Roque, layan ito na maprotektahan ang interes ng taong bayan, maipatupad ng accountability at mapanatili ang kumpiyansa ng stakeholders.