00:00Nakipagpulong si DPWH Secretary Vince Dizon sa dalawang dating kalihim ng kagawaran, kaugnay sa mga katiwalian.
00:08Balitang hatid ni Joseph Moro.
00:13Napapailing na lamang si Secretary Vince Dizon sa nangyayari sa DPWH.
00:19Ang paglilinis sa kagawaran ng agenda ni Dizon sa halos dalawang oras na pulong niya sa mga dating kalihim ng DPWH.
00:25Si Rogelio Singson nung administrasyon ni dating Pangulong Noy Noy Aquino at Jose Ping De Jesus sa termino naman ni na dating Pangulong Cory Aquino at Fidel Ramos.
00:36Na nakasama rin ni Dizon nung chairman siya ng Clark Development Corporation.
00:40Aminado si Singson, talamak ang korupsyon sa kagawaran.
00:44Masyadong massive. I cannot imagine how massive the corruption inside and outside.
00:51At isa sa mga pinagmumula ng korupsyon ang mga insertion o mga proyektong isinisingit na mga mambabatas.
01:00Lower house and the Senate.
01:01Total local projects and insertions in 2025 is about 450 billion.
01:08Ang problema dyan, hindi lang yung visible insertion, ibig sabihin from NEP to GAA.
01:14Apparently, according to Secretary Bonoan, kaya na-blindsided siya in some of the projects.
01:20Because some of his regular programs were also carved out and replaced with local insertions.
01:27Kinukuna namin ng pahayag si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan pero wala pa siyang tugon.
01:32Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations noong biyernes, ipinunto mismo ng ibang kongresista na inahati ang ilang malalaking proyekto sa distrito
01:41nang hindi lalampas sa 150 million pesos para sa DPWH District at hindi DPWH Regional Office ang magpapatupad ng mga ito.
01:51Hindi lamang daw sa budget may nakawan kundi sa simula pa lamang tulad ng costing o paglalagay ng halaga sa mga proyekto.
01:58Ayon kay Dyson, kailangan ding matsyaga ng procurement, implementation at monitoring ng mga proyekto.
02:05Ayon kay dating DPWH Secretary Rogelio Singson, tama lamang daw na hiningi ni Secretary Dyson ang courtesy resignation ng mga opisyal ng DPWH bilang paunang hakbang sa paglilinis sa ahensya.
02:18Humingi ako ng tulong sa mga tao.
02:20Kaya ba sir?
02:21Who can I trust? Who are good people?
02:24You have to find the bad eggs, take them out, make them accountable.
02:27If they're as bad as Alcantara, Mendoza, and Hernandez, hindi kang dismissal yun.
02:32Akakakasuhan yun.
02:33Joseph Moro nagbabalita para sa GMA Integrated News.