A total lunar eclipse will be visible across the Philippines tonight, Sept. 7 to 8, with the Moon expected to glow a deep red for one hour, 22 minutes, and 54 seconds, said the Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
00:00No August 28 nga ay nagpalabas ang DOSC pag-asa ng isang press release kung saan nakasaad na magkakaroon ng isang total lunar eclipse sa September 8.
00:11Ito ay magtatagal ng humigit kumulang 1 hour, 22 minutes and 54 seconds.
00:17At kung maganda ang panahon, hinihikayat ang publiko na direktang obserbahan ng buwan sa huling bahagi ng gabi ng September 7 hanggang sa madaling araw ng September 8.
00:27Ang lunar eclipse o eclipse ng buwan ay isang pangyayari kung saan natatakpan ng anino ng Earth ang buwan.
00:35Ito ay nagaganap kapag ang Sun, Earth at Moon ay nasa isang linya kung saan ang Earth ay ang nasa gitna.
00:44Mayroong tatlong types ng eclipse or lunar eclipse.
00:48Ito ang total lunar eclipse, partial lunar eclipse at ang penumbral lunar eclipse.
00:53Ito ay ayon sa kung anong bahagi ng anino ng Earth ang dinadaanan ng buwan.
00:59Ang Earth ay nagkakas ng dalawang uri ng shadow, ang penumbra or ang lighter shadow at ang umbra or ang darker shadow.
01:09Kapag ang buwan ay pumasok sa penumbral shadow ng Earth, ito ang tinatawag nating penumbral lunar eclipse.
01:16Kapag i-compare natin ang isang regular full moon sa isang full moon at penumbral, makikita natin na madumidilim lamang ng bahagya ang buwan.
01:28Ang partial lunar eclipse naman ay nangyayari kapag may parte lamang ng buwan ang pumapasok sa umbral shadow.
01:35Kaya naman makikita natin na parang may kagat sa isang parte ng ating buwan.
01:43Kapag ang buong buwan ay pumasok sa umbral shadow, ito naman ang tinatawag nating total lunar eclipse.
01:50At dito nagaganap ang tinatawag nating blood moon.
01:53Ang pagkukulay pulan ng buwan ay nangyayari dahil sinasala at ikinakalat ng atmosphere ng Earth ang sinag ng araw,
02:02kung saan ang nagpa-pass through lamang ay ang pulang wavelength na siyang nagbibigay ng pulang liwanag sa buwan.
02:09Base sa ating mapa, ang kabuuan ng total lunar eclipse ay makikita or ma-observe sa silangang bahagi ng Afrika,
02:17sa kabuuan ng Asia at sa Australia.
02:21At kapag zinom-in pa po natin, makikita nating nakapaloob ang buong Pilipinas sa area na makakapag-observe ng kabuuan ng total lunar eclipse.
02:34Ang eclipse ay isang proseso na unti-unting nangyayari sa loob ng ilang oras.
02:40At ito po ang i-expect natin sa pagdating ng total lunar eclipse.
02:43Mula sa ating table, makikita nating kahit saan parte tayo ng Pilipinas ay sabay-sabay nating ma-observe ang iba't-ibang phases ng ating total lunar eclipse.
02:55Base naman po sa ating diagram, magsisimula ang penumbra phase at 11.27pm ng September 7.
03:03At makikita nating papasok ang buwan sa malabong bahagi ng anino ng Earth na tinatawag nating penumbra.
03:08At 12.27am ng September 8, ay magsisimula ng pumasok ang buwan sa mas maitim na gitnang anino o umbra.
03:21Hanggang sa mag-start ang totality ng eclipse kung saan ang buwan ay ganap ng nakalubog sa umbra at around 1.30am.
03:30Dito po magsisimulang magkulay-pula ang buwan at ito po ang tinatawag ng karamihan na blood moon.
03:36At 2.12am ay masasaksihan natin ang maximum eclipse o ang gitnang bahagi ng totality kung saan ang buwan ay nasa pinakamalalim na punto ng anino ng Earth.
03:49Pagkatapos ng totality, matatapos ang totality at 2.53am.
03:54Magsisimula naman ng lumabas ang buwan sa umbra at ang proseso ay babaliktad.
04:00Mauulit ang partial at penumbra fees hanggang sa matapos ang eclipse sa ganap na 4.57am.