Skip to playerSkip to main content
Today's Weather, 5 A.M. | September 6, 2025

Video Courtesy of DOST-PAGASA

Subscribe to The Manila Times Channel - https://tmt.ph/YTSubscribe
Visit our website at [https://www.manilatimes.net](https://www.manilatimes.net/)

Follow us:
Facebook - https://tmt.ph/facebook
Instagram - https://tmt.ph/instagram
Twitter - https://tmt.ph/twitter
DailyMotion - https://tmt.ph/dailymotion

Subscribe to our Digital Edition - https://tmt.ph/digital

Check out our Podcasts:
Spotify - https://tmt.ph/spotify
Apple Podcasts - https://tmt.ph/applepodcasts
Amazon Music - https://tmt.ph/amazonmusic
Deezer: https://tmt.ph/deezer
Stitcher: https://tmt.ph/stitcher
Tune In: https://tmt.ph/tunein

#TheManilaTimes
#WeatherUpdateToday
#WeatherForecast

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang umaga, narito ang update sa Bagyong Lani at sa magiging lagay ng ating panahon sa susunod na 24 oras.
00:08Kaninang alas 2 ng umaga, yung low pressure area na minomonitor natin sa Kanlura ng Northern Luzon ay isa ng ganap na bagyo na may local name na Lani.
00:17Huli itong namataan sa layang 315 kilometers kanluran ng Sinait, Ilocosur at taglay nito ay lakas ng hangin na 45 kilometers per hour malapit sa sentro at bugso ng hangin na umaabot sa 55 kilometers per hour.
00:31Ito ay kumikilos pa kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour at palayo nga po yung pagkilos nito sa anumang bahagi ng ating kalupaan.
00:40Ngunit ngayong araw ay magdadala pa rin po ito ng mga pagulan sa malaking bahagi ng Northern Luzon.
00:46Samantala, ang Southwest Monsoon o Habagat naman ay patuloy pa rin umiiral dito sa Central at Southern Luzon.
00:53At magdadala pa rin ito ng maulap na halangitan at mga pagulan dito sa buong bahagi ng Central Luzon, maging sa area din ng Calabarzon at dito sa bahagi ng Metro Manila.
01:04At yung mga pagulan po na dala ni Bagyong Lani at also ng Habagat ay posible pa rin po magdulot ng mga hanggang sa malalakas na pagulan.
01:12Kaya doble ingat pa rin para sa ating mga kababayan sa banta ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.
01:20At ayon nga dito sa ating latest forecast track analysis ni Bagyong Lani, generally ito ay kikilos pahilagang kanluran at magiging mabilis po yung paglagi nito dito sa loob ng ating area of responsibility.
01:32By this morning or afternoon ay lalabas na din po ito ng PAR.
01:37At paglabas po nito ng PAR, posible ito mag-intensify pa into a tropical storm habang binabaybay pa rin yung karagatan patungo dito sa area ng Southern China.
01:47At mapapansin din po natin na hindi hagip ng mga pinakamalalakas na hangin na taglay nito yung anumang bahagi ng ating bansa.
01:55Ngunit ngayong araw nga po, magdudulot pa rin ito ng mga pagulan.
01:59But dahil nga palayo yung pagkilos nito ni Bagyong Lani sa anumang bahagi ng ating kalupaan,
02:05expect din po natin na within the day, posible po yan by this afternoon or evening onwards,
02:11ay pawala na rin po yung mga pagulan na dala nito dito sa malaking bahagi ng Northern Luzon.
02:18At dahil nga po hindi hagip ng mga pinakamalalakas na hangin na dala ni Bagyong Lani yung anumang bahagi ng ating bansa,
02:27ay wala po tayong nakataas na wind signal sa anumang bahagi ng ating kalupaan.
02:32Ngunit posible pa rin po yung bugso ng mga malalakas na hangin sa area ng Ilocos Region,
02:37maging sa bahagi din ng Cagayan at Isabela.
02:40At para naman po sa mga pagulan, ngayong araw posible pa rin yung mga malalakas na pagulan,
02:4650 to 100 mm of rainfall dito sa Pangasinan, dulot po ito ni Bagyong Lani,
02:52at 50 to 100 mm of rainfall din dito sa area ng Zambalas, dulot naman ng Habagat.
02:57Kaya pag-iingat pa rin sa ating mga kababayan dyan at makipag-ugnayan pa rin po tayo sa ating mga LGU
03:03para sa mga aksyon na kailangan natin gawin para sa ating kaligtasan.
03:07At para naman sa lagay ng dagat baybayin na ating bansa, wala po tayo nakataas na gale warning,
03:14ngunit iba yung pag-iingat pa rin para sa mga kababayan natin na maglalayag dito sa may western seaboards ng northern Luzon
03:21sapagat magiging maalon po o katamtaman hanggang sa maalon po yung lagay ng ating karagatan.
03:28At para naman sa maging lagay ng panahon, ngayong araw ng Sabado,
03:32dulot ni Bagyong Lani magiging maulap po yung ating kalangitan.
03:35May mga pag-ulan pa rin na mararanasan dito sa Ilocos Region, Cordellera Administrative Region maging sa area din ng Cagayan Valley.
03:44Most likely po, yung mga pag-ulan po natin, posible pa rin hanggang sa mga malalakas na pag-ulan,
03:49lalong-lalo na dito sa area ng Ilocos Region, kaya pag-iingat pa rin sa mga kababayan natin.
03:54At ina-expect nga po natin, dahil palayo si Bagyong Lani dito sa anumang bahagi ng ating kalupaan,
04:00most likely po simula mamayang hapon o gabi ay pawala na rin po yung mga pag-ulan na dala nito ni Bagyong Lani dito sa malaking area ng Northern Luzon.
04:10Samantala, ang habagat naman po patuloy din magdudulot ng makulim-lim na panahon,
04:17at meron din mga pag-ulan na mararanasan dito sa Central Luzon, maging sa Calabar Zone at dito din po sa Metro Manila.
04:25Most likely po, katamtaman at kung minsan ay mga malalakas na pag-ulan pa rin yung posible nating maranasan,
04:31lalong-lalo na dito sa area ng Zambales at Bataan, kaya patuloy pa rin pag-iingat sa ating mga kababayan
04:37and also yung mga regional offices natin ay nagpapalabas pa rin ng mga thunderstorm, advisories, or mga babala ukol sa mga pag-ulan na ito.
04:47Samantala, dito naman sa bahagi ng Mimaropa at Bicol Region,
04:50meron lamang po tayong mga isolated ng mga pag-ulan na mararanasan, dulot ng habagat, at ng mga localized thunderstorms.
04:58Agwat ang temperatura dito sa Metro Manila ay mula 25 to 30 degrees Celsius.
05:05Samantala, dito naman sa bahagi ng Palawan, maging sa buong bahagi ng Visayas at Mindanao,
05:11ay medyo maaliwalas po yung panahon na ating mararanasan.
05:14Maliba na lamang yan sa mga posibilidad pa din ng mga biglaan at mga panandaliang pag-ulan,
05:20pagkilat at pagkulog, lalong-lalo na po yan sa hapon at gabi, dulot ng mga localized thunderstorms.
05:25And during severe thunderstorms, posible pa rin po tayong makaranas ng mga katamtaman hanggang sa mga malalakas na pag-ulan
05:32na maaari po magdulot ng mga pagbaha at pag-uho ng lupa, kaya patuloy pa rin pag-iingat para sa ating mga kababayan.
05:39Agwat ang temperatura sa Cebu ay mula 26 to 31 degrees Celsius, at sa Davao naman ay 25 to 32 degrees Celsius.
05:47Dito sa Metro Manila, ang araw ay sisikat mamayang 5.44 ng umaga at dulubog mamayang 6.04 ng hapon.
05:57Patuloy po tayong magantabay sa updates na ipapalabas ng pag-asa.
06:01Para sa mas kumpletong impormasyon, bisitahin ang aming website, pag-asa.dost.gov.ph
06:08At para naman po sa mga rainfall warnings or mga thunderstorm advisories na pinapalabas ng ating mga regional offices,
06:16bisitahin ang aming website, panahon.gov.ph
06:20At yan muna ang latest dito sa Weather Forecasting Center ng Pag-asa.
06:24Grace Castañeda, magandang umaga po.
06:26Grace Castañeda
06:56You
Be the first to comment
Add your comment

Recommended