• 1 year ago
DPWH, bubuo ng panibagong 2026 budget proposal na walang anomalya sa loob ng isang linggong palugit ng Kamara | ulat ni Mela Lesmoras

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Si Sikapin ng Department of Public Works and Highways na makabuo ng panibagong 2026 Budget Proposal
00:06ng walang anomalya sa loob ng isang linggong palugit ng House Committee on Appropriations.
00:13Iyan ang ulit ni Mela Las Moras.
00:16Tiniyak ni Department of Public Works and Highways Secretary Vince Disson
00:20na lilinisin nilang mabuti ang panibagong bersyon ng 2026 Budget Proposal ng kanilang ahensya.
00:27Kamakainan lang, mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr. ang nagutos ng malalimang pagrepaso
00:33sa panukalang pondo ng DPWH kasunod ng iba't ibang isyo na iniuugnay rito.
00:39As much as possible, yung mga pinoint out na red flags ng ating kongreso ay buburay natin.
00:45Walang doble, walang completed na mayroon pa, na mayroon pa rin budget.
00:51Yun, unacceptable yan.
00:53Ngayong araw, humarap si Secretary Disson sa budget briefing ng House Committee on Appropriations.
00:59Pero hindi muna siya nagbigay ng presentasyon ukol sa kanilang budget proposal habang isinasaayos pa ang nilalaman ito.
01:06Sa interpelasyon, naglatag na lang ang mga kongresista ng kanilang mga hinaing at mungkahi sa kagawaran.
01:12Ayon kay House Minority Leader Marcelino Libanan, sa pagpaplano pa lang ng flood control projects,
01:18dapat ay bigyang prioridad na ng DPWH ang mga lugar na tunay na laging binabaha.
01:24Ito po, yung ating top 20 flood control provinces na talagang binabaha.
01:33Pero sa pinaglalaanan po natin ang pondo ng DPWH, kayo po ang nag-a-identify dito.
01:40Dose sa mga probinsya, wala po dito sa top 20 provinces.
01:47Kailangan itong pag-aralan dahil mananalo lang po tayo dito pang maganda ang ating planning.
01:52Agree po ako sa lahat ng sinabi ninyo.
01:55Kung meron mang pong flood control projects, dapat po ang uunahin dito yung mga pinaka nangangailangan ng flood control project.
02:05Iyan po ay tingin ko ay common sense.
02:09Sabi ni Secretary Dizon, sa higit 880 billion pesos na panukalang pondo ng DPWH para sa 2026,
02:17lagpas 30% nito o 268.3 billion pesos ang nakalaan sa flood control projects.
02:25Kaya naman, talagang tututukan nila ang pagrepaso rito.
02:28Pero ang tanong, mayroon na bang flood control master plan sa bansa?
02:32Tugo ng kalihim, wala pa sa buong bansa.
02:35Pero sa Metro Manila, may binubuo na.
02:37Ito po ay funded ng Asian Development Bank at ng JICA jointly.
02:41Yan po ay nagsimula na ngayong taon at matatapos po sa susunod na taon.
02:48At sana po, pag ito'y natapos, pwede po itulong i-replicate sa ibang mga lugar sa buong bansa na prone sa pagbaha.
02:56Sa ngayon, may ilang kumpanya ng blacklisted dahil sa pagkakadawit sa anomalya sa flood control projects.
03:03Pero paglilinaw ng DPWH, dapat ay tapusin pa rin nila ang kanilang obligasyon.
03:09Yung binaklis na po natin, yung WAWOW at saka yung SIMS, kahapon lang po yun.
03:14Pinapahod ko po lahat ng payments to those contractors.
03:18Pero kailangan din po natin tapusin, syempre kung meron silang ongoing.
03:22So pag-uusapan po namin ng ating operations group kung paano po ang magiging sistema, kung ano po ang gagawin natin para matuloy.
03:32Matapos ang limang oras, nagpa siya ang Appropriations Committee na i-defer muna ang briefing ng DPWH.
03:39Binigyan ng komite ang kagawara ng isang linggo o hanggang September 12 para isumite ang kanilang revised budget proposal.
03:46Sa mga susunod na araw, inaasahang muling haharap dito sa kamara,
03:50ang mga opisyal ng DPWH para ipresenta ang kanilang bagong budget proposal.
03:55Mela Les Moras para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.

Recommended