00:00Magandang gabi Pilipinas!
00:02Bayan bumisita ngayong araw sa Lalawigan ng Bohol
00:05si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa serye ng mga aktividad.
00:10Pinuntahan ng Pangulo ang isang paralan para sa caravan ng PhilHealth
00:14at ang opisyal na paglulunsad ng 20 bigas meron na sa Lalawigan.
00:20Namahagi rin ang Pangulong Marcos Jr. na mga pasilidad para sa mga magsasaka
00:24at manginis na. Yan ang ulat ni Jessie Atienza ng BTV Cebu.
00:30Unang pinuntahan ng Pangulo ang opisyal na inaugurasyon
00:36ng Kalunasan Small Reservoir Irrigation Project sa Bayan ng Calape.
00:40Layunin itong makapagbigay ng sustainable at maaasahang supply ng tubig
00:44sa tulong ng ipinagawang earth-filled dam na may mga canal lining at canal systems.
00:50Nasa 400 na mga magsasaka ang inaasahang mabibinepisuhan ng proyekto
00:55dahil kaya nitong magsupply ng tubig sa 300 na ektarya ng lupang pangagrikultura.
01:01Alam naman po natin na basta't ang pinag-uusapan ay ang agrikultura,
01:07lalo na ang palay at bigas, ay ang pinakamahalaga ang patubig.
01:12Kaya ito po ang aming binibigyan talaga ng pansin para maparami natin
01:19ang irrigated lands dito sa buong Pilipinas.
01:23Dahil kung maalala ninyo, last year, nahirapan tayo dahil sa presyo ng bigas
01:30at dahil sa maraming nang mapangyayari, dahil sa climate change,
01:34dahil sa international market, lahat maraming dahilan.
01:38Kaya yun ang inuna namin.
01:40Tiniyak namin na binawasan na namin, halos wala na yung mga smuggler,
01:45nahuhuli na lahat.
01:47Para hindi na tayo mag-import, ay kailangan ang gawin natin
01:51ay baka pag-produce tayo ng bigas na sapat
01:55para hindi na tayo kailangan, hindi na tayo umaasa sa ibang lugar.
01:59At ito ay naging maliwanag noong pagdaan noong pandemya
02:05na hindi tayo, walang barkong dumadaan, walang barkong nagde-deliver ng bigas,
02:10ay nataranta lahat, hindi lang naman ang Pilipinas,
02:13kundi lahat ng buong mundo dahil nga nagbago lahat.
02:16Kaya natutunan na natin na dapat meron tayong sariling supply.
02:20Kaya patuloy ang aming mga proyekto para sa irrigation.
02:25Sunod na pinuntahan ng Pangulo ang Mandaog Elementary School
02:29para saksihan ang PhilHealth Caravan sa kanilang programang
02:32Yaman ng Kalusugan Program o Yakap
02:35na naglalayong gawing mas malusog at malakas ang mga mamamayan.
02:39Sari-saring serbisyo ang naihatid ng pamalaan sa ating mga kababayan
02:43gaya ng konsultasyon at pamamahagi ng mga gamot.
02:47Namahagi rin ang school bags at smart TV ang Pangulo sa paaralan.
02:53Sa bayan ng Binunido, namahagi rin ang traktora at motorbanka
02:56ang Pangulo sa mga magsasaka at manging isda.
03:00Pinasinayaan naman ang punong ehekutibo
03:02ang opisyal na paglulunsad ng Benteng Bigas Merona Rice Program ng Pamalaan.
03:07Sabik siyang sinalubong ng mga residente rito dahil unang pagkakataon ito
03:12na isang Pangulo ang bumisita sa kanilang lugar matapos ang maraming taon.
03:17Sabik din ang Pangulo na nag-ikot sa mga stall ng kadiwa ng Pangulo
03:20kung saan nakadisplay ang mga lokal na produkto ng mga mamamayan.
03:24Titignan nyo po sa labas, nakapagbigay tayo ng mga bangka,
03:28nakapagbigay tayo ng mga traktor, mga harvester.
03:33Ito po kasama po sa Arceph, sa Philmec,
03:35para mechanization, para maparami natin ang mechanization.
03:41Nagbibigay kami ng mga makinarya.
03:43Yan, ganyang klase po, mga harvester, mga traktor,
03:47mga drying machine, milling machine.
03:50Yung milling machine pala ninyo, yung milling plant ninyo, sira.
03:54So, titignan po natin para maayos yung inyong, para nandito,
03:58para hindi na, para yung kita sa pagproseso ng palay hanggang bigas
04:04ay hindi mapupunta sa ibang lugar, hindi na mapupunta sa middleman,
04:09yung trader, at may iwan na rito sa inyo para yung kita,
04:14daganda ang kita ng ating mga magsasaka.
04:17Ayon sa National Food Authority, nasa 2,700 na mga mamamayan
04:22ang target na binipisyaryo ng programa.
04:24Kabilang sa mga nakabili ng 10 kilong NFA rice ay si Nanay Cosmelita.
04:30Aniya, ngayon lang din siya, nakakita ng pangulong dumalaw sa kanila.
04:35Pasalamat ko sa itong Presidente,
04:37nga kitagaan namin sa bugas ng tag-20 pisos.
04:40Salamat, salamat ninyo.
04:41Karun pa, supad, tiguan naman ko, karun pa ko kita.
04:44Tumikim din si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng NFA rice,
04:51na kung saan, tiniyak ng Department of Agriculture at ng National Food Authority
04:55na kahit mura, ay de kalidad ito at ligtas kainin.
05:00Mula sa Lalawigan ng Bohol, Jesse Atienza,
05:03para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.