00:00Sa ibang balita, ipinasilip ng Presidential Communications Office o PCO
00:05ang Philippine Film Heritage Building sa Intramuros
00:08na ayon sa ahensya ay hindi natapos sa itinakdang deadline.
00:13Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro,
00:17kahapon pa dapat natapos ang proyekto pero marami pamparte ng gusali ang hindi natapos.
00:23Ibinunyag pa ni Yusek Castro na ang proyekto ay hawak ng Great Pacific Builders
00:29and General Contractor Incorporated na pagmamayari ng Pamilya Descaya.
00:35Nagkakahalaga ito ng halos 108 million pesos.
00:40Kabilang sa mga hindi natapos sa gusali ay ang Cinematech kung saan sana magpapalabas ng mga pelikula.
00:48May mga leak din umano ang mga drainage system sa palikuran.
00:52Habang ang ilang flooring na dapat ay nakatiles ay sinimento na lang
00:56at hindi rin natapos ang heat installation sa ilang bahagi nito.
01:01Dagdag pa ng opisyal, hindi alinsunod sa quality standard ng elevators.
01:07Gayun din ang emergency exits.
01:10Ang gusali ay proyekto ng DPWH na handog ni na Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
01:16at First Lady Lisa Araneta Marcos para sa film industry.
01:20Giit ni Jose Castro, ikinadismaya ito ng unang ginang dahil gobyerno pa ang tila niloko ng contractor
01:28at hindi pa nakikipag-ugnayan sa kanilang Great Pacific Builders and General Contractor Incorporated.
01:36Pag-aaralan na ng pamahalaan ang susunod na hakbang nito kaugnay sa issue
01:41kabilang ang umano'y sa buwatan ng DPWH at ng mga contractor.
01:46Kasi kung mapapakita talaga natin, ito makikita naman natin kung bakit nagkaganito,
01:53kung wala silang valid reason, kung bakit hindi nila ito na i-turn over ng tama at naaayos sa kontrata,
02:00pwede silang makasuhan unang-una si reliability meron to.
02:03Diba? Kung meron makikitang panluloko, eh hindi maikakailan na pwede silang makasuhan ng staffa.