00:00Iniling ng isang grupo sa Malacanang na bigyan ng mga pribadong paaralan ng flexibility para magdesisyon sa suspensyon ng klase.
00:08Ang tugon ng Malacanang at DILG sa report ni Rafi Tima.
00:15Tatlong buwan pa lang mula ng magbukas ang klase, pitong class days na ang nawala sa Metro Manila dahil sa mga suspensyon gunsod ng masamang panahon.
00:23Pero sa huling suspensyon ng klase noong nakarang linggo, maayos naman ang panahon.
00:27Kaya sa Malacanang na humiling ang Coordinating Council of Private Education Association o COCOPEA
00:32na bigyan ng mga pribadong paaralan ng flexibility para magdesisyon sa suspensyon ng klase.
00:52Noon pa man may kapangyarihan ng mga para lang magsuspende ng klase kung kailangan.
00:57Pero hindi nito maaaring bawiin ang suspensyon kung galing nasa DILG na inatasan ng Malacanang na magsuspende ng klase at opisina sa gobyerno simula nitong Hulyo.
01:07Sabi ng COCOPEA, dahil sa kakaiba ng panahon, hindi pare-pareho ang sitwasyon kahit mga magkakalapit na lugar.
01:13Minsan, malakas ang ulan sa ibang lugar, sa iba naman wala.
01:17Pero ang suspensyon ay Metro Manila-wide or buong lahat, public and private.
01:24So, nasasayang yung ating mga flexible learning modalities na nandyan na simula pa ng pandemic.
01:33Ayon sa COCOPEA, dapat daw magkaroon na ng updated at malinaw na pamantayan.
01:38Kung dati kasi nakabasa ito sa Typhoon Storm Warning Signal,
01:41ngayon, pwedeng masuspende ang klase kahit walang bagyo.
01:44Ang concern namin is really consistency lang.
01:48Whoever will make that announcement should follow the guidelines that will be agreed upon.
01:55Pero, yun nga, sana masama sa guidelines na on certain situations naman,
02:00ibigay na sa schools at the level of the schools ang desisyon.
02:04Ang Palasyo ng Malacanang, bukas naman daw sa panukala.
02:07Iri-rekomenda po ito sa NDRRMC.
02:09Ang DILG naman, bukas daw napayagan ng online classes kapag inanunsyo ang class suspension dahil sa sama ng panahon.
02:16Makikipagungnayan daw sila sa DepEd, mga LGU at pribadong educational institution
02:20para mabalansi ang kaligtasan ng mga estudyante at kanilang pag-aaral.
02:24Pero kung ang ilang magulang ang tatanungin kung sino ba ang dapat magdesisyon sa class suspension?
02:29Dapat po kasi nasa eskwela and then, though meron pong power talaga yung DILG.
02:34Kailangan pa rin parehas.
02:36Mas maganda po, kumbaga balansi.
02:38Yung school talaga dapat.
02:40Sila kasi nakakalam kung dapat papasukin ba yung mga bata o hindi.
02:44Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments