00:00Umarangkada na muli ang naantalang konstruksyon ng isa sa pinakamalaking istasyon ng Metro Manila Subway Project.
00:08Ang paghahanda sa epekto sa trapiko sa pagtutok ni Joseph Moro.
00:16Dalawang taon din naantala ang pagtatayo ng Ortigas Station ng Metro Manila Subway Project dahil sa issue sa lupa o right of way.
00:23Pero ngayong araw ay nagsimula na ito at ininspeksyon ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez at Pasig City Mayor Vico Soto,
00:32ang Ortigas Station ng isa sa pinakamalaking istasyon sa labing-pito mga istasyon ng subway.
00:38Maglalabas ang Pasig LGU ng mga rerouting scheme sa kasagsaganang konstruksyon dito.
00:43Matatapos po ito I think in 3 years. Then the operation in 5 years, the entire station. Kasama na po ang mga signaling and everything.
00:52Ang Metro Manila Subway Project ay isa sa mga malalaking infrastructure project na iiwan ni dating DOTR
00:59at ngayon ay DPW Secretary Vince Disson sa itinalagang Acting Secretary ng DOTR.
01:05Ipinangako ni Lopez na magtutuloy-tuloy ang mga ito.
01:09Si Lopez ay responsable sa pag-resolban ng mga right of way issue tulad sa North-South Commuter Railway Project at Metro Manila Subway Project.
01:17Tatlong kontrata ng subway ay naghihintay pa na may award na magtatayo ng mga istasyon mula Kalayaan Avenue hanggang na Ia Terminal 3
01:25at bago matapos raw ang taon na ito ay mareresolban na rin ang mga issue sa lupang daraanan nito.
01:31Naghihintay pa rin may award ang kontrata naman sa Common Station na magdurugtong sa LRT Line 1, MRT 7 at Metro Manila Subway.
01:39Anim na buwan lamang hinawakan ni Disson ang DOTR. May ilang proyekto ang tinatarget na paanda rin bago matapos ang termino ni Pangulong Bongbong Marcos sa 2028
01:49tulad ng MRT 7, Unified Grand Central Station, LRT Line 1 Cavite Extension at North-South Commuter Railway Project.
01:57Tuloy pa rin naman ang pag-i-issue ng mga special student, senior at PWD BIP cards na may 50% discount sa September 15.
02:06The most important thing we need to do now is to ensure that everything that has been started upon the directives of the President continues and pabilisan pag-halo.
02:19Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
Comments