00:00Good news sa ating mga kababayang naghahanap ng trabaho.
00:04Nasa 8,000 mga trabaho ang maaari ninyong aplayan sa 254 na government agencies
00:09sa 2025 government job fair na gagawin sa 15 lugar sa bansa.
00:14Nagsimula na ito kahapon sa ilang lugar at magtatagal hanggang sa biyernes.
00:19Ayon kay CSC Chairperson Marlene Yap,
00:21ang 8,032 na job openings para sa plantilla at non-plantilla positions
00:26ay ang pinakamalaking bilang ng vacancies na binuksan sa kanilang job fairs.
00:32Ang job fair sa Metro Manila ay magsisimula bukas kung saan 25 government agencies ang makikibahagi.
00:39Nagpapatuloy din ang job fair sa ilang probinsya tulad na lamang
00:42sa La Union, Cagayan, Butuan, Cagayan de Oro City at Coronadal City.
00:49Gagawin naman ang government job fair sa Cordillera Administrative Region sa September 9 sa SM Baguio.
00:54At ayon sa CSC, ano pang hinihintay ninyo?
00:59Subukan na mag-apply sa gobyerno at magsilbi ng mga puso
01:02na may mga puso dangal at galing at nagaling para po sa ating bayan.