00:00Agad na nagsagawa ng Cleaning Operations ang mga lokal na pamahalaan sa tambag na basurang naiwan ng matinding pagbahan itong weekend.
00:08Nagpaabot naman ng tulong ang Department of Public Works and Highways sa mga lokal na pamahalaan.
00:12May detalya si Clazel Pardilla.
00:17Mga sirang kahoy, sangkatutak na plastic, iba't ibang basura at makapal na burak.
00:25Iyan ang naiwan matapos ang matinding ulan na nagpalubog sa baha sa ilang lugar sa Quezon City.
00:32Mabilis na nag-ikot ang Department of Sanitation and Cleanup Works ng QC para linisin at hakutin ang mga basura sa mga lansangan.
00:41Non-stop din ang pagkalkal ng mga emburnal para mabilis na humupa ang baha.
00:46Habang ramdam pa rin ang ngit-ngit ng panahon, hindi isinasara ng QCLGU ang mga evacuation center.
00:532,000 individual pa ang nananatili sa iba't ibang evacuation sites sa lungsod.
01:01Puspusan din ang pagsasagawa ng clearing operation ng Marikina Local Government.
01:06Pinalinis ang bulto ng mga basura na naipon sa creek sa bahagi ng Mountain View Subdivision sa barangay Santa Elena.
01:14Sa larawang ibinahagi ng Marikina PIO, makikita ang sangkaterbang basura na bumara at kalaunay kinulekta mula sa ilog.
01:24Layo nitong maibalik ang daloy ng tubig at maiwasan ang pagbaha sa naturang barangay.
01:30Todo alalay din ang mga kawaninang Department of Public Works and Highways sa Cordillera.
01:37Hindi lamang tumulong sa pag-aalis sa mga gumuhong lupa at bato ang mga tauha ng ahensya.
01:44Umagapay din sa paglikas ng mga residente na naapektuhan ng matinding pagulan.
01:49Kalaizal Pardilia para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas!