Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa gitna ng maulang panahon kahapon, isang batang lalaki ang natangay habang naglalaro sa creek sa Marikina.
00:07Wala na siyang buhay na matagpuan sa pasig. Nakatotok si Jamie Santos.
00:14Kita pa sa cellphone video ang bahagi ng ulo ng labing isang taong gulang na batang lalaki
00:19bago tuluyang lamunin ang malakas na agos ng creek sa SS Village, Barangay Concepcion 2, Marikina.
00:26Ayon sa mga otoridad, naglalaro ang bata kasamang isang kaibigan sa gilid ng creek sa kasagsagan ng ulan kahapon.
00:34Nang biglang tumaas ang tubig, tinangay na siya.
00:37Sinubukan pa siyang iligtas ng nakatatandang kapatid.
00:40Dahil sa sobrang lakas ng agos, nakabitiw ang kapatid.
00:44Pero naitulak pa raw nito ang kalaro kaya nakaligtas ang isa.
00:48Biglang tumaas, edi nagabulan na po, inabol ko po.
00:51Anggang makaabot kami sa pumping, doon nayakap ko po siya.
00:56Kaso nakabitaw rin po, sobrang lakas ng agos.
00:59Ayon sa barangay, lalong lumakas ang agos sa creek dahil sa operasyon ng pumping station sa lugar.
01:05Medyo talaga pong mataas ang tubig. Ang taas ng ba, ang lakas ng karen.
01:10Magdamag na naghintay ang ina ng biktima sa posibleng paglabasan ng tubig
01:14kung saan umaasang matatagpuan ang anak.
01:17Pero bigo silang makita ito kagabi.
01:19Nagbinaibay ko na, na basta ganito, ganito, ito uras.
01:23Naglakad na ako, inabol ko na hanggang saan-saan.
01:27Wala, nangipaglaro siya pero hindi po talaga doon sa creek na bumababa.
01:31Ganyo lang talaga siya.
01:33Kanina, pinuntahan ng Marikina Rescue at Philippine Coast Guard
01:36ang bahagi ng barangay Mayamot pero wala pa rin risulta.
01:41Hanggang makatanggap ng tawag ang mga taga Marikina.
01:44Sa barangay Santolan sa Pasig, natagpuan ng bata.
01:47Wala ng buhay.
01:48Isang bankero raw ang nakakita sa kanya.
01:53Ayon sa barangay, matagal nang ipinagbabawal ang paglalaro sa creek.
01:58Dahil sa nangyari, haharangan na raw ito para hindi na makapasok ang mga bata.
02:03Para sa GMA Integrated News, Jamie Santos, nakatutok 24 oras.

Recommended